5.2.10

totoo kaya?

Totoo kayang tumataba ako? HAHAHAHAHA

Sana. :)



I'm really ever so at peace today, you know? Sana ikaw rin. It's not ordinary peace; it's God's peace. :)

4.2.10

---

Pag nagtitinginan kami, napapanatag ang loob ko.

Pag hawak nya ang kamay ko, panatag akong hindi kami mawawalay sa isa't isa.

Pag binubulong nya na mahal na mahal na ako, pakiramdam ko imposibleng matapos 'to. Hindi ako makahinga sa sobrang saya. Naiiyak ako sa umaapaw na pag-ibig at ligaya.

Pag yakap nya ako... pakiramdam ko malalampasan ko ang lahat ng ibatong problema sa akin.


Pag magkasama kami, tiwala ako na malakas ako.


Para sa akin, binigay sya ng Diyos - hindi ko sya hiningi. Hindi sya ang hiningi ko. Pero binigay sya sa akin. Kaya ganoon na lang sya kahalaga. Dahil hindi ako karapat-dapat mabigyan ng isang taong magmamahal sa akin nang lubos nang mga panahong iyon.

Kaya ngayon...



Matutulog na ako dahil matagal na akong hindi nakakatulog nang dahil sa gusto ko nang matulog. Alam mo yun, more of "gusto ko nang matulog dahil kailangan kong matulog kung ayaw kong mag-collapse mamaya sa UP."





Natuwa naman ako. Bago pumuntang DB, pagkatapos ng report, kumain kami ng mga kagrupo ko (well, di lahat - apat lang kaming kumain) tapos nag-videoke sa timezone. Mata, Decode (tae), Akap, Zombie, Everywhere, Love Story, tapos chorus saka bridge ng Goodbye To You. Sige, may mapansin kung may mapansin. XD tatlo ata dyan 100. o apat? XDDD medyo nakapag-relieve na ng stress ang lola.


Grabe, laging masakit tyan ko mula nung Linggo. >.< Sana wala lang ito.


In Jesus' name I claim victory over these adversities. Amen.

3.2.10

hinahanap-hanap kita.

isusulat ko lang. kung di ko maalala, hmm hmm hmm na lang. XD

adik sa'yo, awit sa akin nilang sawa na sa'king mga kwentong marathon tungkol sa'yo at sa ligayang iyong hatid sa aking buhay. tuloy, ang bida sa isipan ko'y ikaw.

sa umaga't sa gabi, sa bawat minutong lumilipas, hinahanap-hanap kita. hinahanap-hanap kita. sa isip at panaginip, bawat pagpihit ng tadhana, hinahanap-hanap kita.

sabik sa'yo kahit maghapon na tayong magkasama - parang telesine. ang ating ending, hatid sa bahay nyo (lol). sabay good night (more of good bye), sabay may kiss. sabay bye-bye.

pilit ko mang ika'y limutin, lagi kong natatagpuan ang iyong tinig at awitin twing sasapit ang ulan. mga linggo pang pinagsamahan para bang nalimot na ng yong pusong biglang lumisan. may kapiling nang iba.

sa school sa flag ceremony (high school, lagi ako late.), hanggang uwian araw-araw, hinahanap-hanap kita. hinahanap-hanap kita...

AT KAHIT NA MAGKA-ANAK KAYO'T MAGKATULUYAN BALANG ARAW, HAHANAP-HANAPIN KA. HAHANAP-HANAPIN KA.










wala, may namimiss lang ako. ayun lang. kasi lately di ko sya pinapansin na tulad ng dati. yung dati yung tipong makita ko pa lang sya sa malayo abot mars na yung ngiti ko. yung dati yung kahit tarayan nya ako hindi ako maddown. yung dati yung babatiin ko sya ng good night hindi dahil ginagawa ko yun nung kami pa kundi dahil gusto ko lang talagang good ang night nya. pero wala, lahat binigyan nya ng maling kahulugan. hindi, tama yung kahulugan pero mali yung pagpapahalaga nya. akala nya yung mga bagay na ginagawa ko, ginagawa ko dahil hindi pa ako nagllet go. tanong ko lang, pati ba pagiging magkaibigan hindi tayo pwede? bawal nang magkaroon ng contact, ganoon? hindi ibig sabihin na pag humahawak ako sa braso mo or whatever eh dala yun ng fact at past na naging tayo. no, si jopay ginaganun ko. hindi dahil bakla si jopay, kundi dahil komportable ako sa kanya. at kung pagiging komportable lang naman sa isang tao ang pag-uusapan, sa'yo ko pinaka-komportable. pero bakit mo kailangang alisin yun? gusto mo bang naiilang ako pag magkasama tayo? best friend kita tol, ba't ako maiilang dapat sayo? anong paki ko sa mga crush mo o sa mga babae sa paligid? bakit, kilala ka ba nila tulad ng pagkakakilala ko? di naman a. tumitingin ba sila sa'yo? di rin. haha joke. ewan, ang unfair e. ikaw yung nagsabi na di ka naman nawala.

iniwan mo na nga ako nung mga panahong kailangang kailangan ko ng taong makakasama e. bumagsak ako, ano, wala lang ba sa akin yun? pero ano, ginawa mo pa yung leverage. ang unfair talaga. dahil lang may gusto ka nang iba.

ang unfair. kasi nung iniwan mo ako, hindi lang pala bilang boyfriend. wala na akong pakialam sa boyfriend material, pero sana yung pagiging kaibigan di ba. hindi mawala dahil lang sa pagiging maingay ko. nakakairita? tingin mo sayo? kahit nga yung lagi mong kasama mula noong nag-college e... hay nako. ewan ko sayo - yan lagi mo sinasabi sa akin noon. haaaaay...

31.1.10

naalala ko lang

Noong isang araw, napadpad ako sa 3rd floor back lobby para "mag-aral" para sa nalalapit na midterms exam sa 115. Mga isang oras na lamang noon. Maraming tao roon, kasama na ang grupo nina Lambert sa Marketing.


Natutuwa ako sa grupong iyon. Noong minsan kasi for some reason sinama nila ako sa members ng group nila. Nawindang ako noon kasi baka mamaya pati kay Sir BP e nakalista talaga ako sa group nila. Pero ayun, false alarm, baliw lang si Marck. XDDD


Anyways, habang nag-aaral bigla na lang lumapit si Manuel Lambert Lopez at sinabi na gusto raw akong makausap ni Harry Bert Tajo. Hawak nya ang isang selepono na kinalaunan ay nalaman kong kay Tanjo pala. So, kahit na (at dahil sa) nagtaka ako kung nasaan si Harry Tajo e kanina nasa library lang sya - baka importante! - kaya kinuha ko ang seleponong hawak ni Lambert.


"Hello! Harry? San ka-"

Tinignan ko ang selepono. Nakalagay sa screen nito ang oras. 1400 something. Punyeta ka Lambert. Dahil diyan, ililibre mo ako ng double layered sundae.

ate, ang kapal mo

as in. XD

ang kapal kapal mong nilalang.


ang bobo mo ba or what? grabe you're making the one in me bigger i'm hating you more because you make me hate you so much.

wag kang maliligaw at mapapadpad within my eyesight because I won't be kidding myself. Hindi ako magaatubiling ipakita sa'yo na nandidiri ako sa'yo. Hindi ko mapipigilan ang sarili ko kaya wag ka talagang maliligaw.


You really offend me, kapal ng mukha mo. Ang landi landi mo. Ewan ko BAKIT BA NAGUSTUHAN KA NUNG MOKONG NA YUN!

Nakakainis.





Sa mga nagtataka, a basta. Hahaha sasabihin ko sa inyo pero hindi dito.


P.S. NGUMITI KA LANG ATE KASI MAS MAGANDA PA AKO SAYO E.

16.1.10

:)

ang lungkot lungkot ko ngayon.

akala ko talaga mga kaibigan ko sila, pero hindi. hindi yata. :)

31.12.09

Daddy Dave

Si Daddy Dave.


Parati lang sya nasa likod. Pero nakikita ko sya tuwing nagsserve ako. Pag nagpapapuri sa Diyos, laging taas kamay. Tuwang tuwa ako sa kanya. Tuwing nakikita ko sya, lagi ko sya gustong yakapin. Kaya nung minsang nagkaroon ng reflection tungkol sa mga hug, hindi ko alam bakit hindi ko sya niyakap.

Minsan na kaming nagtinginan. At nagbatian. At nag-shake ng hands. Ngayon, forever kong ichecherish yung moments na yun.


Mahal na mahal ko si Daddy Dave. Para sa akin, ewan. Basta yun.


Akala ko makikita ko pa rin sya sa Roozen Hall.
Sobrang mamimiss ko sya. Sobra. Sobra. Sobra.



Rest in peace, Daddy Dave. Kasama mo na ngayon si God, at si Mommy Del.
We love you!

Hello Hurricane

I've been watching the skies
They've been turning blood red
Not a doubt in my mind anymore,
There's a storm up ahead.

Hello, hurricane!
You're not enough.
Hello, hurricane!
You can't silence my love.
I've got doors and windows boarded up
All your dead fury is not enough
You can't silence my love.


Everything I have, I count as lost.
Everything I have is stripped away
Before I started building it,
I've counted up these costs
There's nothing left for you to take away.

Hello, hurricane!
You're not enough.
Hello, hurricane!
You can't silence my love.
I've got doors and windows boarded up
All your dead fury is not enough
You can't silence my love.


I'm a fighter fighting for control
I'm a fighter fighting for my soul
Everything inside of me surrenders -
You can't silence my love.

Yeah.


Hello, hurricane!
You're not enough.
Hello, hurricane!
You can't silence my love.
I've got doors and windows boarded up
All your dead fury is not enough
You can't silence my love.


Yeah. I said, Hello, hurricane!





Para kanino pa. Para kay God. :)


I love Switchfoot!


Di ko na inembed. Download nyo buong album para masaya. :D

30.12.09

Bakit nakakabuting magkwento sa iba?

Ito ang tingin ko sa issue na ito.


Kapag nagkkwento tayo, karaniwan syempre chronological ang pagkukwento natin. Kung baga, inuumpisahan natin sa kung saan man tingin natin nag-umpisa ang lahat. Take note, tingin natin. Kasi nga there's always two (or more) sides of a story. Tapos, sunud-sunod (as far as we know) hanggang sa kasalukuyan, kung saan kumukulo na ang problema't hindi mo na alam ang susunod mong gawin.


Hmm.


Kapag nagkwento ka na maayos naman ang pag-iisip mo, meaning hindi ka naman naguguluhan at may desisyon ka nang balak mong i-implement, kapag nagkwento ka maaaring may mapag-connect ka pa rin na hindi mo naisip habang nagcoconsider ka ng mga alternatives. Maaaring gumamit ka ng maling analysis tool. Halimbawa, imbis na gamitin mo ang SWOT (Strengths, Weaknesses, Opportunities and Threats) Analysis, ginamit mo yung Porter's 5 Forces. Kapag nagkkwento ka sa isang tao, dahil interactive na ito at may mga tanong syang maaaring ibato or may naisip kang baka ibato nyang tanong, mas napapalawig mo yung pagiisip tungkol dun sa problema mo.


Lalo naman di ba kung gulong-gulo ka? Habang nagkkwento ka, una sa lahat nagiging kalmado ka. Either dahil maiisip mo by yourself na baka wala syang maintindihan sa'yo kaya kailangan kalmado ka. Or wala kang maalala kaya kailangan kalmado ka. Or talagang pinapakalma ka na nya. Alam mo yun? Tapos syempre aalalahanin mo na, ano nga ba yung nangyari. Saan nga ba nagsimula?

Tapos ayun, minsan maiisip mo, ako pala yung nagkamali.

Ganoon. And many more. Kaya nakakatulong talaga na magkwento ka.


Paano kung walang mapagkkwentuhan kasi wala ka nang tiwala sa mga tao sa paligid mo?
1) Magkwento ka sa isang outside party na remotely possible na maging involved sa issue. Ang hindi maganda dito ay hindi naman sya ganoon ka-pamilyar sa iyo at sa iba pang involved so baka hindi angkop yung maipayo nya (kung hihingi ka). So kung ito ang gagamitin mo, make sure na bigyan mo rin sya ng background tungkol sa personalities etc nyo. Hindi lang yung tingin mo sa issue. And make sure na objective sya.

2) Magkwento ka sa isang kaibigan na mapagkakatiwalaan mong hindi makakadagdag sa kaguluhan ng issue. Sa isang tao na alam mong kahit ikwento nya sa iba, ayos lang, dahil gagawin nya yun hindi para mang-tsismis kundi para makatulong pa rin. Either para magkaroon sya ng mas malawak na pang-intindi based sa experience siguro ng pagkkwentuhan nya, para maaadvise naman nya yun sa iyo, or para makuha rin yung kabilang side. Alam mo yun, hindi naman para ipagkalat yung baho nyo.

3) Kaya nga may blog e.







Orayt. Acads ay 0 accomplishments pa rin. Bakit kasi walang libro?!?!

Wait. BAKIT KASI ANG MAHAL NA NG MGA BAGAY SA MUNDO? Leche.

29.12.09

MGA MALALANDI

MGA LALAKI.
PARE-PAREHO KAYO.
MAGSAMA-SAMA KAYO.
IKUKULONG KO KAYO KASAMA NA RIN YUNG MGA MALALANDING (POKPOK-LIKE NA LANDI) BABAE SA ISANG MALAKING FREEZER. TAPOS SYEMPRE IMOMONITOR KO YUNG MGA BODY TEMPERATURES NYO.

ILALABAS KO ULIT KAYO JUST WHEN YOU ARE BARELY BREATHING. AT PAPAKULUAN KO NAMAN KAYO SA MAHINANG MAHINANG APOY. TAPOS YUNG MAGSSURVIVE, PIPRITUHIN KO NAMAN. TAS PAPAKAIN KO KAY AMPATUAN.


pare-pareho talaga kayo. walang itulak-kabigin sa inyo. ang kakapal pa ng mga mukha niyo, e lahat naman pala kayo ganun. wag kayong magdahilan ng kung anu-ano, because when it all comes down to it, malandi pa rin kayo. ulol. or siguro mga kulang lang talaga sa pansin. grabe.

grabe naiiyak tlga ko. sampung bwan na ata akong di nagbblog. >_<

been happy ata. JOKE XD

pansin nyo? punong-puno lng tlga ng galit at pait tong blog ko. so alam na, pag bwisit na bwisit ako dito ako ddretso. :D:D:D