24.12.08

naaalala ko. XD at di ko malimutan kahit anong pilit ko.

Sawa na kasi ako. Pero walang kinalaman 'to kay Jo, ha. Nagsawa lang talaga ako sa'yo.
Ako: *titig lang*
Anong gusto mong gawin?
Ako: di ko alam.
Gusto mong makipaghiwalay?
Ako: Ikaw. Gusto mo bang makipaghiwalay?
Yun nga e. Ayaw ko...



ala-una ng madaling araw. nagtext.
Naisip ko, mabuti pang maghiwalay na lang tayo.
Bad. monthsary pa naman yun. bastos tlga.


a few days after. sa LKB.
Ako: *nagmamakaawa*
Ayaw ko na nga *sabay tingin sa mata ko*. Sawa na ko. Gusto mo ba, tayo pero yung pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo ay hindi hihigit sa isang kaibigan?
Ako: Oo. (lol)



Nagdate. Nanood ng kung anong movie. Ironman ata or something. Kumain sa Pizza Hut habang naghihintay ng oras. Di umattend ng Eng11.
Sorry talaga... Sorry...
Ako: *sarap ng kain. joke. akala ko lang makikipagbalikan. di pala. puta.* ok.
Miss na kita.
Ako: Miss na rin kita. (malamang. nu ineexpect nya?)


Overnight kanila Thea.
Ako: Bakit ba talaga?
Nagsawa na nga kasi ako.
Ako: Iniisip mo pa bang makipagbalikan?
Oo naman.



Overnight kanila Arf
Mahal pa rin kita...
Ako: Iniisip mo pa bang makipagbalikan?
Oo.
Ako: *ok. whatever.*



One time nagpahatid ako sa CASAA. Ilang days lang after kila Arf.
Ako: Iniisip mo pa bang makipagbalikan?
Oo.
Ako: Wala lang. Hinihintay kasi kita.
Wag kang maghintay. Baka mabulok ka nyan.


After some time... mga 2-3 weeks. hahaha uwi galing sa night-time strolling sa campus.
source1 (wag ka matakot, source1. :) ): naalala mo nung *nirelate ang setting ng ikkwento nya na hindi ko na ihahayag dito. para maging vague*? Wala lang. Sabi nya sken nun, mahal na raw ata nya si Alex.


I was already pathetic. The next week, I was worse (until now, I don't think I ever got better. lol). I skipped almost all of my classes except MPs10 (na nilimas ko na absences ko kaya di na pwede mag-absent pa) and BA 99.1 (what kept me alive. XD). I went home (Pasay, hindi KNL) always near or after midnight. But it was okay, and I don't regret that. Kasi. Ewan ko. I don't see him, and gusto kong mamatay na sya. But knowing me, alam ko na pag nakita ko sya (kung kaya ko man na makita sya that time) malilimutan kong gusto ko syang itapon sa mount fuji para i-activate yung volcano na yun. Pero nagtetext sya nung buong week di ako pumasok.


Ano bang nangyayari sayo?
Ako: Depressed.
Bakit?
Ako: *di na sinend yung 4-part message na nililitanya yung kasamaan nya na dahilan kung bakit iniisip kong idrop yung Philo kung saan lang kami nagkikita kaso fifteen units lang ako so di pwede.* wala lang. ayoko lang pumasok kasi masasayang lang yung pagpasok ko dahil wala naman ako maiintindihan.


Saturday. July 26. Nanood ng Batman. Umuwi akong masaya. akala ko may pag-asa na. boo. sabi na kasing wag na mag-expect.


One meeting sa Stat 101. Well, actually after ng meeting. Nalimutan ko, may mga kaklase nga pala akong close ni Jo. anyway.
classmate: Kayo pa ba ni Jorge?
Ako: Hindi na. Bakit? Tungkol kay Jo?
classmate: well. birthday kasi ni Jo nung sunday. (I know, right. birthday ni Gens un.) tapos nagregalo sya ng mamahaling libro. at naghintay sya for three hours kasi nakatulog si Jo.


Swear, siguro kung hindi full of emotions yung pagkkwento ni classmate, i could have let it go. ikaw kasi classmate e! xD


Elfer: Ok lang yan kweki.
Ako: *reluctant umattend ng Philo. kaso dami ng absences.*






dami pa. kaso napapagod nko mgtype. masakit din tuhod ko. hahaha saka magbabasa pko Detective Conan. XD


naaalala ko lang yan. kasi ang inconsistent e. basta, pag nilagay ko na yung mga susunod.



yun lang naman ang gusto ko. yung totoo. ano jan yung totoo? ano jan yung mejo totoo, pero totoo talaga kaso hindi talaga yun yung totoo?

linawin lang naman e. wag matakot na makasakit pa. hindi lang ako ang masasaktan, don't worry.


saka ang unfair kasi e.

lahat sinasabi ko.

pag may crush ako, sinasabi ko. and all. bakit ko ginagawa yun? kasi mas malaki yung chance na pag di ko sinabi na may gusto (sige para mas strong, gusto talaga yung term.) ako sa iba, e hindi ko mapipigilan na gustuhin lalo kung sino man yun. kaya gusto ko malaman lahat. syempre masakit, pero di ba. it might work the same way with you e. ewan. wala lang.



haaaaaaaaaaaaay.



wala na ba talagang gwapo't mabait sa mundo?!
ba't sa masci parang ang daming choices? lol. whatever.

sakit tlga ng tuhod ko.

19.12.08

haaaaaaay

yea yeah. whatever. shut yourself up. daming reklamo sa buhay. lol

16.12.08

bitch. (sana basahin ng isa sa kanila...)

hmm. mejo nag-ebb na yung galit ko. pero anyway.


i am a very self-centered person kapag kasama ko si jorge or pag may concern kay jorge. joke? nope, not really. haha wala lang. minsan kasi pakiramdam ko mas umiikot pa mundo nya kay jelo. lol jelo, di ako galit sayo. di ako galit kahit kanino. napansin ko lang. hahaha


pero in fairness mejo nakakairita sya. i mean ung ganun. nakakairita ung ganun.


ayaw kong makipag-kumpitensya sa kahit na sino o kahit na ano.

wait, mayroon pala akong nakikitang kumpitensya. pero... kasi di ba, nagbreak kami, and i've been trying to see kung gaano ba ka-strong. yes, i know, i know. hindi dapat minemeasure ang love blah blah blah. o sige irerephrase ko. hmph.

gusto kong maging sure, na kahit paano, AT LEAST kung ayaw nyong kahit paano, eh strong yung nararamdaman nya. ewan ko. may tiwala ako na mahal nya ako. pero for how long? forever. SANA. hahaha


o db i'm a very self-centered person?


grabe kasi e. hanggang ngayon ganun pa rin ang drama. hindi nya pinapakita na nakikita nya yun. wala naman siyang ginawa e. sorry lang. lol (bakit, ano ba dapat nya gawin? O.o) wala lang. go figure.


ewan. masaya ako. hahaha. sobrang saya ko. pero yun ay kung hindi ko iisipin na nagsinungaling sya (at sinabi nya yung totoo kung kailan ok nko sa sinabi nya na nagsawa sya tas un pala dahil gusto nyang ligawan si jo tapos hindi raw talaga sya nagsawa sa akin. sakit sa ulo men). kung di ko iisipin na nag-pick up kami sa kung saan kami umalis (ganun pa rin. as in. walang nagbago..? parang ganun. ewan.) kung di ko alam na nag-eexist si jelo (haha joke).


actually ang ippoint out ko lang naman ay yung pagiging inconsistent nya e. hehe kasi lahat ng lalaki (na tulad nya siguro) e talagang ganun. yung ayaw nilang saktan yung "minamahal" (ok dko sinabing di nya ko mahal, mejo nag-ggeneralize kasi ako so hindi lang sya kaya ganyan. dko naman sure kung yung iba e mahal talaga yun chever nila) nila kaya tinatago na lang nila na may IBA na silang GUSTO. well sana ma-realize nila na hindi sila nagiging selfless pag ginagawa nila yun, wala silang sinasacrifice na KANILA, lahat ng sakit ay dun pa rin sa chever nila at hindi sa kanila. grabe. ewan.


super painful talaga.



well, mamaya ok na ako. pag naghawak kami ng kamay, ok nko. pag nagyakap kami, limot ko na. pero pag matutulog na ako, tulad kahapon, at tulad nang unang beses na it came to my mind na something's up with him, maaalala't maaalala ko lahat. lolllllllllllllllll.



bwahaha
sige alis nko.
talagang nag-net shop pko para lang magblog. dahil sobra sobra sobrang nakakainis.


"Pag nag-overnight si *toooot*(kunwari hindi niyo mahihinuha kung sino, ok?) sasama ka?"
'Oo.'
"Pag sumama ako (pero hindi talaga [ata] ako sasama), sasama ka?"
'Baka.'

Baka e. Maybe. Pero dun sa isa, sure na.


Ako: *toooot*, sasama ka sa overnight?
*toooot*: OO~
si ano: sasama ko~!



haha tangina. gago. lol.



sana talaga. mejo maging parallel naman sya dun sa dating sya. lol


o kaya sana may.... hay. wag na, di ko na sasabihin. mabait kasi ako, kaya kunwari magtitiis ako.



pero DISCLAIMER ha, pag one day nabalitaan nyo na namatay ako at yung reason is emotional or mental breakdown or na-high blood (politically incorrect term, i know, i know...) ako at ikinamatay ko yun, wag nyong ieexclude na reason ang love life. hahahaha


love life nga ba ang inuuna ko? o si Jorge lang...? hmmm. i mean, naisip nyo ba, paano kung nangyari nga sa akin ito, pero ibang tao yung naging bf ko? lol. hahaha well, hindi ko naman talaga kinulong kay Jorge ang buhay ko such that hindi ko maisip na iba ang mahal ko e. i KNOW sya rin. and i've proven that, for heaven's sake. akala nya siya lang pwedeng magkagusto sa iba?

wait, tapusin ko muna entry ko. haha


pero mahal na mahal na mahal ko yun. selfish ako. haha pero wala. ewan.




ang gulo ko...

13.12.08

lol boo~

wag nyong babasahin. dahil paulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit talaga. at di ako nag-copy paste, in fairness. para naman mailabas ko yung pagka-irita ko. pero di ba, sawa na rin kayo? edi wag nyo na ituloy pagbasa. haha ayoko ring mag-comment na "sabi na kasi" or something similar ha. hahaha alam nyo naman kung gaano ako ka-stubborn. well, congratz dun sa makakabasag ng matigas kong ulo. hahaha pero really, di bale na lang. ganun talaga siguro. alangan namang umayaw ako. una, yun lang e. pangalawa, kahit pa siguro mas malalalim (pa dun sa dati) e alam naman nating lahat na may naka-program ng hindi ko kakayanin. ok? agree. ok. so, shut up. kung ako senyo, kung babasahin nyo man, hanggang sa next 2 paragraphs na lang. :)



meron kasi akong crush. dalawa sila. tapos kanina (mula alas-sais siguro ng gabi. aware ako sa time grabe) ko pa iniisip yung birthday ko. ayaw kong maging boring. pero feeling ko magiging boring talaga sya. swear. ang exciting lang dun, magsisimba ako. other than that, wala na. bakit? kasi feeling ko wala akong makikitang ibang mukha kundi ung mga nandito sa bahay.


so nag-PM ako. pupunta ka ba sa birthday ko? tapos sabi ko, feeling ko magiging boring birthday ko. maliban na lang kung pupunta si crush 1 at crush 2. hahaha.


parang gago lang e.

sobrang pagod na ko.

ang tagal ko na kayang nagtitiis. di mo ba alam yun?
mukha pa rin akong tanga.
pero sa mata ng iba, tulad ng nagsabi sken na "pinapaikot ka na lang daw nun e,"

TANGA na talaga ako.
how much lower must i get?
can i do it?
should i?
WOULD I?


oo nakakairita rin ako...

pero CRUSH KO LANG NAMAN.

hindi ko naman SINASADYA PA sila sa kung saan sila laging tumatambay..... kung saan man yun......

nakikita ko lang sila pag nakikita ko sila.......................................... at kahit gustuhin kong makita sila, di ko naman alam san sila hahagilapin............................................... di ba?

at hindi naman ako nagpapapansin sa kanila... dahil hindi ko naman hinihiling na sana magkakilala kami at least... hindi ako nag-iiwan ng testi sa friendster, di ko sila dinodrawing kahit pa siguro marunong ako... grabe. hindi ko sila pinapatakbo sa isipan ko dahil seryoso ako nung sinabi kong isa lang yung lagi kong naiisip... i never took that back... at ayaw ko naman sanang manumbat kahit feeling ko may karapatan ako...

tapos para makatanggap ng ganung reaksyon...


teka, birthday ko ata un a. ung pinag-uusapan.

pwede ba. extinct na ba talaga yung mga taong may deep sense of humor? ung mahihinuha pag kahit katiting hindi ako seryoso sa sinasabi ko?

grabe Lord. pagod na po ako. sobra.




































panu kaya pag mamatay ako ngayon?
maiisip kaya nya na kahit kailan hindi ko inisip na palitan sya or whatever?
maiisip kaya nya na naging mababaw sya kanina?
lol. ewan. mula noon lagi kong naiisip yan pag nagiging mababaw e. pero wala. hindi.

grabe.





grabe.

22.11.08

miss ko na sila.


sobra. sobrang nami-miss ko na ang mga kasama ko lagi noong first sem. specifically sina Alai, Gens, Patrick at Jelo. lalo na yung unang dalawa. grabe lang. silang apat kasi yung pinaka-lagi kong nakakasama.

hindi ko na nakikita si Gens. para ngang non-existent na kami sa isa't isa e. pero hindi pa naman. hindi PA. hahaha joke.

si Alai din. di ko na nakikita.

si Patrick kasi, siya yung lagi kong nakakasama sa kanila ngayong sem. at hindi pa yun sing-frequent ng dati. at malabong magtuloy-tuloy.


masakit kasi hindi ko na nga sila nakikita. tapos nung nag-sit in ako sa 23 nung thursday, sabi ko kay Gens na sumama naman siya paminsan-minsan. then he mouthed "ayoko." then i said, kasi "hindi ko na kaya (gets nya un. haha syempre si gens pa.)" and he laughed. and that's the end of the conversation.


si alai kahit sa YM dko na nakikita.






naiiyak ako grabe.





MISS KO NA KAYO!!!
kita naman tayo minsan~~~


nakakaiyak talaga...

7.11.08

nakakairita naman talaga

ung bbye ka ng bbye tas d k pnpansin tas pag-ol mo next time ang makikita mo lang na offline message ay "ay. ok. bye." XDDD

pero nakakatawa rin in fairness. hahaha XDDD



well. sana iba na ito ngayon. sana hindi na maulit yung mga dati. lalo na yung mga kasawa-sawa na part. hahaha


sorry ang childish ko. madali lang tlga ko mairita ngayong mga araw na to.







awwwwwww. gusto ko sumama sa EK. kaso wala nko pera. bumili kc ako stored value. tas kumain pa sa kfc. ayos sana kung marami akong pera. kaso un na lang pala pera ko. haaaay. hahaha

6.11.08

galit ako. at hinahamon kita. make it up to me, db?

so sabi ko nga sa post ko kahapon. balak kong ilagay ang bitterness ko. syempre alam ko namang walang magbabasa nito. XDDD


JORGE: i strongly advise na dun ka na sa may dulo magbasa. ayaw ko makipagbreak pero ilalabas ko ang kaunti sa bitterness na nararamdaman ko at baka isipin mong nakikipagbreak ako. kung tayo man. i mean, hindi lang naman kasi committment ng mag-bf/gf ang pwedeng i-break. pwede ring yung communication. or friendship. or love. or whatever feeling there is for each other. XDDD



ito ay isang napaka-morbid na post para kay Jorge at sana matiis nya lahat ng mababasa niya dito. not that he reads my blog anyway. once in a blue moon lang naman. i know na mas fan siya ni Jo. hahaha XDDD (i told you, bitterness ang lama nito. sorry.)


sorry sa mga magbabasa. talagang hindi ko mapigilan. paggising ko noon pa lang umaga bago pumunta kanila Patrick, super bitter na ako sa nalaman ko the previous day. tapos, as you all saw or observed, he's whatever-ing Rosa. XD grabe. napaka-inconsiderate na mayroon siyang "gf" (if that's what i am to him) na sobrang makapag-observe. grabe.










nakakainis lang kasi.

mali.



nakakagalit naman talaga yung ganoon. yung nagmumukha kang tanga at lahat para sa isang tao na kahit kailan pala wala namang ganoon kalalim na pakialam sa nararamdaman mo. grabe.




so hindi naman pala dahil nagsawa ka. oh well, pwede na ring ganoon, di ba?
dahil din pala kay Jo.
kasi gusto mo siyang ligawan.
grabe.


sana noong nakita mo pa lang siya at na-whatever ka na sa kanya eh nakipagbreak ka na. para hindi ganun. putang ina. edi siguro masaya na ako ngayon sa iba? XDDD

in short, hindi totoo na hindi nawala kahit kailan yung "intensity" ng pagmamahal mo.
hindi totoo na gusto mo lang siya.
balak mo talaga siyang ligawan.


hahaha nakakainis. sobra. ewan ko ba.

siguro hindi na nga kita mahal. hahaha





ewan. di ko alam. siguro mahal na mahal pa rin talaga kita. pero dahil dun parang ayaw na lang kitang mahalin.


sobrang nasasaktan ako, alam mo ba? ano bang tingin mo? hindi dahil hindi pa ako nagbbreak down mentally at emotionally eh hindi ako nasasaktan at kaya ko pa lahat. hindi ko na kaya. putang ina. XDDD pwede ba.


hindi. mali. hindi sa ayaw na kitang mahalin e.




hindi lang siguro ako naniniwala na mahal mo pa rin talaga ako. isang malaking whatever. patunayan mo na lang.


at huwag mo akong gamitin. walang gamitan.



alam mo sa totoo lang, kung kaya ko lang talaga. alam mo yun. maghihiganti talaga ako sa lahat ng ginawa at ginagawa at kung ano mang gagawin mo pa sa akin. grabe.



kaunting respeto lang sa akin.






at kaunting disiplina naman sa sarili o. hanggang ngayon hindi pa rin nagmamature yang utak mo. o puso mo. or whatever. nakakainis.





nakakainis talaga.
pakiramdam ko tuloy, joke time lang lahat.





ikaw lang talaga ang gumanito sa akin, ever. ikaw ang dahilan ng halos lahat ng kamalasan ko sa mundo. at sana talaga makakita ako ng mga taong may pakialam tlga sken. nyahaha. i mean, hindi lang ikaw.

i realized that.


hindi ako mabubuhay nang ikaw lang ang kasama ko.




haaaay. ano ba tong pinaglalalagay ko? grabe. naalala ko tuloy yung sinabi ni Gens kahapon. XDDD "sana ganun din sa tao, no? pwede ring mag-cancel." xDDD haaaaaaaaaaay.



well sana pag nabasa mo ito, may gawin ka. huwag mo na akong tanungin kung ano pwede mong gawin "to make it up". kasi kung ako tatanungin mo, sasabihin ko na huwag na huwag mo nang ipursue si Jo. at huwag ka nang makipaglandian (though apparently hindi mo napapansin na ginagawa mo habang lahat kami nakikita na ganun) sa harap o likod (o sa kahit anong angulo mula sken) ko.


syempre, alam ko na gagawin mo yun. para lang i-satisfy ako. pero hindi mo talaga gagawin. di ba? naaalala mo ba? umiyak ka pa sa sunken. iniiyakan mo ako. or whatever. dahil nabasa ko yung message mo kay Jo. na mahal na mahal mo siya. na napanaginipan mo siya. at sana kahit sa panaginip magkasama kayo. ung tipong pareho kayo ng panaginip. parang yung sinabi mo lang dati sken. ahaha tapos sabi mo wala na yun, matagal na. putang ina. hahaha XDDD sinong niloloko mo? pinagmukha mo lang akong tanga. leche.

tapos nung nakipagbreak ka. "seryoso, walang kinalaman si Jo dito at hindi ito dahil sa kanya." hahaha grabeeeeeeeeee. sana nakita ko na sarcastic ka pala doon.


kakairita.



super nakaka-bitter talaga. as in.



hindi ko tuloy talaga alam kung maniniwala ba ako na mahal mo pa rin ako o dahil lang sa may whatever na si Jo at hindi ikaw yun at hindi ka niya pinagbigyan kaya ganun. kaya makikipagbalikan ka or whatever. kaya naging tayo ulit or not. ewan... grabe.






wala kang idea kung gaano kasakit lahat ng pinagdaanan at pinagdadaanan ko.



P.S. AYAW KO MAKIPAGBREAK.

5.11.08

grabe

ang balak kong ilagay ay mga bitterness ulit. bakit kaya ganun no? puro bitterness mga nilalagay sa blog or wherever.


wala lang. feeling ko kasi andun yung selfish instinct na pag masaya tayo, minsan ayaw na lang talaga natin i-share...

16.10.08

sa lahat ng taong gago at bobo.

ganito na talaga ang mundo ngayon. sasabihin ng mga tao 'pag malungkot ka tapos inexpress mo at nagsabi ka ng mala-cliche na realizations tungkol dun, EMO ka. amp. edi emo na lahat ng mga poet. emo na si Victor Hugo. tae. joke.


kapag naman puro tungkol kay Jorge ang makita sa blog ko, sasabihin lovelife lang inaatupag ko. hahaha e wala naman pala kayong alam sken e. XD whatever. yun kasi nakikita nyo. at wala kong balak i-relate sa inyo kung ano pang problema ko. pakiramdam ko naman hindi kayo magiging involved. sus. tama lang malaman niyo.


at as if naman kilala niyo talaga yung tao. parang lahat tayo naging ka-relasyon niya a.


akala niyo kung sino kayong walang pakialam sa love life.


and in the first place hindi naman talaga ako studious na nilalang. bakit pa ako nag-aaral? para sa nanay ko.


mabuhay kayo sa inductive reasoning. mag-philo kayo. haha para masaya.


at magbasa rin kayo ng bibliya. hindi dahil katoliko kayo or what.


at ayusin niyo rin buhay niyo. akala niyo naman buhay ko lang hindi matino. pffft.





anyway, si barney ay isang baklang emo. kulay violet pa. napapansin niyo ba, how he jumps and all that? napaka-bouncy nya. ugh. kung makapag-preach sya akala niya alam niya lahat. parang kayo. XD




inaaway ko ba kayo?
teka, lahat ba kayo included sa kayo na sinasabi ko?
XDDD



di lang kayo makapaniwala na magkasama pa rin kami ni jorge kahit break na kami. hahaha bakit, dapat ba pag break na hindi na dapat nagkikita? edi ang selfish niyo pala. kayo na lang yung ganun. ulul.

11.10.08

ano ba?

hay.

anong meron? bakit ganoon?

6.10.08

hello!

wala lang. ang fatale. haha ang busy ng week na ito. jusko. :) God bless.

5.10.08

exam?

huh?
anong exam..?


wala akong naaalalang nag-exam ako kanina.
ang naaalala ko lang, gumawa ako ng philo paper ko. ^_^



XD



ayan ang denial. haha


ano ba ang mga exam ko?
oct. 13 BA 99.1
oct 14 (tama ba?!) stat 101
oct 15 Philo 1. (tama ba?!?!)
tas dko p alam yung econ. haha



deadlyn ng papers.
oct 8 - exercises sa philo 1
oct 8 - paper sa philo 1
oct 10 - paper sa mp10


whatever.


galing galing naman ni mykel. hehe



balak pa nyang tulungan si jorge. nasstress na kasi siya lalo sa pagrereklamo ni jorge. haha wawa naman eh. ^_^ ang hirap palang maging eee major. xD



tever.




hahaha ttry ko lang tumulong.

nagsawa na di ba?

so wag nang banggitin nang banggitin yung issue.


tanga na kung tanga. haha joke. hayaan na kasi yun eh.



utang na loob. tantanan na sana talaga. :D



wala pa namang super fatal na nangyayari. dun na lang magcomment. pag may *mas* fatal *sa nangyayari* na mangyari. :)


good night blog.

3.10.08

masaya ako ngayon.

bakit?


wala lang.

finals na lang sa stat 101. sa october something. 14 yata. ayun. syempre mag-aaral ako nang bonggang bongga para doon. :) kailangan bumawi.
speaking of bawi, *mejo* nakabawi naman ako sa third exam. sayang hindi ko sinagutan yung isang item! hehe tapos minus 2 pa ako kasi late kong sinubmit! pero ayos na yun, kaysa naman wala akong score dahil hindi ko nasagot yung ibang item. kanina rin, may hindi ako nasagot na isang item. nyahaha

tapos yung Philo. super enjoy yung lesson. sayang at ilang meetings na lang namin gagawin. kainis. pero as in, enjoy talaga ako sa mga truth table atsaka dun sa parang geometry. yung given yung premises (given) atsaka conclusion, tapos ipapakita mo kung paano nag-arrive sa conclusion. pero wala yatang ganun sa philo 1. baka hanggang truth tables lang kami at tautology. aww.

may meeting ng Philo sa Thursday, 1600h-1730h. sana kung andun kayo sa UP sa araw na iyon, kita-kita tayo bago mag-4. para masaya. hehe. tapos sa Wednesday, hanggang 1900h kami! wala lang. alam niyo naman ako. ayaw nang umuuwi agad. pero minsan natitripan ko. :)


tapos. ewan ko. masaya ako kasi sabay kami ni jorge umuwi.



?



weird kasi. last week din sabay kami. pati ata yung week before yun? ewan. masaya lang ako pag sabay kaming umuwi. pero kanina iba.


ah. siguro kasi (1) muntik na akong hindi sumabay hanggang alabang pero nakasabay pa rin ako (shet sana ok lang pakiramdam ni ate) at (2) jayross pa yung nasakyan namin papuntang alabang. san ka pa? ang saya. ehehe. ayun.


siguro iisipin na naman nila, ang tanga ko, o kaya bakit pa ako sumasama sa kanya, o kaya wala na talaga akong dangal. ang weird. paano ako naging tanga? ano bang masama kung sumasama ako kay jorge? paano ako nawalan ng dangal (lalo) kapag sumasama ako sa kanya? siguro kung tipong last week lang kami nagbreak or something, sabihan niyo ako ng ganoon. iba na kasi ngayon. hindi na ito yung tulad nang mga panahong kaka-break lang namin na nalilito ako kung ayos lang ba na magkasama kami o hindi na. hindi na ito yung tipong ang weird namin kasi magkasama pa rin kami.


i mean, ano ba? so what naman? super close kami ni jorge. kahit na super nakakairita siya minsan kasi hindi talaga kami nagkakaintindihan. pero grabe. pag magkasama kami hindi (yata) kami nauubusan ng mapag-uusapan. kahit pa yung ilan nga roon ay humahantong sa debate or pagpapalitan ng mura. hahaha. ewan ko. hindi sa nase-set aside yung pagiging childish nya or anything. ayos lang talaga sa akin na magkasama kami. na-realize ko yun. i mean, hindi yung tipong pag magkasama kami ang aalalahanin ko lang eh yung mga panahong kami pa. hindi na. kasi nung kami naman at magkasama kami, wala naman akong inaalalang ganon. basta magkasama kami. ayun. kung nagtataka kayo bakit sweet pa rin kami. mainggit kayo. saka mas gusto ko na rin yung ganoon noh. i mean, kahit na siguro may bf na ako. ewan ko lang pag may gf na siya. hahaha (pero syempre....................... ewan ko.) anyway. basta gusto ko yun. ayos lang. marami ngang iba naghahalikan na kahit isang oras pa lang silang magkakilala... teka, ano bang ginagawa namin na nagreresemble ng "sweetness?" dapat ba pag magkasama kami, sinusumpa namin yung existence ng isa't isa?


oo, nakakairita talaga si jorge. corny yung mga jokes. madaling ma-gets yung jokes pero mahirap i-appreciate. ano pa ba? well. ayos lang nga sa akin. i mean, hindi talaga pala ayos. tanggap ko lang na ganun.


at syempre. mahal ko pa rin naman siya. duh. syempre nagtatanong pa rin ako sa kawalan kung bakit kailangang magsawa. kung paanong nagsawa eh siya itong laging nagsasabi noon na hindi siya magsasawa at naniwala naman ako. kung pwede bang maging kami ulit.......

pero pag magkasama kami. ayos na sa akin na magkasama kami. please. haha next sem di ko na siya makikita. fatale.

di ko maisip. hahaha wala lang. ayoko nung feeling na baka ako na lang yung nag-iisip na close pa rin kami. grabe. ilang ulit nang nangyari sa akin yun eh. tapos mararamdaman mo na lang na sa sunod kayong nagkita, hindi ka na niya kilala at wala siyang balak mag-catch up sa inyo. well, sana hindi kami maging ganoon.
wala lang.


ayoko talaga. pag naging ganun kami. magagalit talaga ako. grabe...

hay.




bigla naman akong nalungkot...

2.10.08

ayun...

kumain kami kanina. sa joachim's.

tapos naalala ko na hindi ko pa nga pala napapanood yung Caspian. kaya sabi ko, nood kami. hehe ayun, pumunta kaming starbucks. choco frap as usual. kaya gininaw lang naman kami nang bonggang bongga. :D


ayos na naman yata kami. yata. ewan. hahaha


tingin ko, oo.




syempre may kasalanan din naman ako. since super bitchy ako. sorry talaga. pero kasi, wag mo ako labelan na nang-iwan. di talaga kita iniwan nun. akala ko talaga nasa likod lang kita. hanggang dumating akong central umaasa ako na baka tawagin mo ako or something. oh well. galing ko lang talaga, asa ako nang asa...

pffffffft.



di ko nakita si alai. kalungkot.
T-T


sabi ko pa naman sasama ako sa interview nya. haaay. i mean, not really sa interview...




ugh grabe...





super nalulungkot ako. as in. haaay.

1.10.08

hahaha

huwattevur.


okay.


syempre ito ay isang napakawalang kwentang araw idagdag mong naging walang kwenta lalo dahil sa mga walang kwentang nilalang na sasabihin sa iyo na pinalulungkot mo lalo ito. aba. AKO, pinapalungkot KA?!


anong tingin mo sa sarili mo? human circus na pinapasaya ako lagi? asa naman.


edi ngayon, naiisip ko, pag nagkabati na kayo ni jelo, masaya ka na, magkakalimutan na.


at hindi ko talaga malaman ANONG KARAPATAN MONG MAGALIT nang bonggang bongga.


hanggang ngayon na HINDI na tayo, kailangan pa ring AKO yung LILINGON? di mo kayang humabol?


kailangan pa ring AKO yung magso-SORRY? di mo kayang umintindi?


wag kang joke-time jorge.


para i-delete mo ako as contact.
tapos sasabihin mo wala ka ng pera pero makakapag-timezone ka pa.
eh di lumabas din ang totoo. wala ka lang choice na makasama. pero pag nagkaroon ka ng choice, hindi ako ang pipiliin mo.

tapos, huhulaan ko ang sasabihin mo.








"sabi mo eh."




tangina. di talaga. grabe. bukas makalawa ako pa rin magsosorry. ako pa rin iiyak. suuus.





ang bobo bobo ko talaga. tama na kayong lahat. putang ina talaga.





sana hindi na lang kita nakilala.
sana hindi na lang kita pinagbigyan.
sana hindi na lang kita sinagot.
sana hindi na lang kita pinili over Linnae.

sana hindi mo pina-ikot yung mundo ko sa'yo.
sana hindi ka nang-iwan nang ganun ganun na lang.

sana hindi ka na lang nagsinungaling.
sana hindi ka na lang nagpanggap na gusto mo pa.

sana hindi mo ako pinaasa na mahal mo pa ako and all.
sana hindi mo ako ginagamit lang at nilalapitan dahil wala ng ibang malapitan.


higit sa lahat,
sana may gawin ka man lang. kasi kapag wala, ewan ko. baka kung ano magawa ko.


ewan. sobrang nakakasakit ka lang talaga. kahit noong nag-away tayo nung second year. ikaw na nga yung nang-asar, ikaw pa yung may karapatang hindi mamansin nang matagal. grabe. speak of friends. tinuturing kitang best friend. sana hindi yun kalokohan lang. para masaya naman.


best friend. ulul...


tae tlga.

30.9.08

isa kang...

tanga,
bobo,
inutil,
mangmang,
stupido,
indio,
row 4,
last section.....


at napakalaking WHATEVER.


napaka-close minded at super immature magpresent ng arguments. kaya nga ang nakakagulat ay hindi yung ano kundi yung may mga nakakapagtiyaga sa iyo. anong mukha kaya ang pinapakita mo sa ibang tao? i really wonder. ayoko namang isipin na birds of the same feathers flock together. hindi ko kasi maisip kapag nagsama-sama lahat ng fuckers sa mundo. i mean suckers. haha.



sorry tlga pero sobrang naiirita tlga ko sa mga pangyayari ngayon. as in. kahit siguro gaano pa katama at kasiya or whatever ang mga pangyayari, baka i-negate ko pa rin ang positive aura na ine-emit nun.


at di lang isang tao yan. grabe. ilan ba sila? tatlo? apat ata. pare-pareho. grabe.





eto ang nangyayari kapag natutulog ako sa bus tapos ang panaginip ko ay tungkol sa NARNIA tapos gigisingin lang ako ng INSPECTOR para tignan ang ticket ko. sasakit ang ulo ko at hindi na ako makakabalik ng tulog at maiisip ko yung mga bagay na nakakairita ngayong araw.


anu-ano ba yun?

well. walang pasok, for one. another, mag-isa akong umuwi (weird kasi sanay na ako dun eh.). siguro dahil akala ko kasabay ko si Gens. i mean may kasabay ako, you know. at yun nga, natutulog ako tapos ginising ako ng inspector. tapos tinatry kong matulog ulit pero di na kaya, at di ko na maalala yung panaginip ko tungkol kay aslan. hay.

nakakainis.

mag-isa kong binagtas ang daan kanina.


talk about friends and companions.

bastusan.



asa naman. ewan ko ba, pag nakakasama ko 'tong certain someone na 'to (kilala mo kung sino ka. hahaha or kayo?) naiisip ko na ang tanga ko nga naman kapag sinasamahan ko si --.


pero kasi...
wala lang...


pakiramdam ko kasi kailangan niya ng someone... at pakiramdam ko rin naman pwede akong maging yung someone na yun though hindi naman talaga ako yung gusto niyang maging someone (at kilala mo kung sino ka hahaha)... ewan.


yun lang din yung sinasabi ko. pati kay Gidget. na hindi naman porke't magkasama kami eh meh something na naman. nakakairita na kasi eh. kayo na lang yung nag-iisip na nagpapakatanga ko. putang ina talaga. muntik ko nang sabihin na "putang ina niyo" hahaha pero ayoko. kasi hindi niyo naman talaga kasalanan. at hindi niyo talaga naiintindihan. at hindi niyo 'to nababasa para murahin ko kayo.


pag magkasama kami ni jorge, (ang bobo talaga nakakainis di nyo ba 'to naiisip?) i mean these days, hindi kami bf-gf mode or whatever! tangina. porke ba ex ko eh hindi ko na papansinin? dahil ba gustong gusto kong ideny yung existence nya and all pag naaalala ko yung mga nangyari, hindi na ako dapat ma-whatever sa kanya? bawal ko na syang makita?


nakakairita kasi. kapag nakita niyo kaming magkasama, feeling ko automatic na tatakbo sa utak niyo na nagpapakatanga na naman ako. well sige, nagpapakatanga ko para sa inyo, pero para sa akin, hindi. kung sa tingin niyo umaasa pa rin ako na maging kami ulit - well hindi ko sasabihin na hindi na ako umaasa - (pero) hindi ibig sabihin noon na kaya ako sumasama sa kanya kasi baka magkaroon ng milagro or what. hindi ko alam kung yun ba ang naiisip niyo. pwede ba. tangina. as if naman kasi kapag kayo nasasamahan niyo ko. hindi naman.


sige na, pinipilit ko na sarili ko sa lahat ng tao. kay jorge, sa g11, maski sa linnae. ewan.


may nagsabi sa akin na kaya raw siguro naiirita sa akn eh dahil sa ayun nga sinasabihan ako na wag nang ganito ganyan. tae. hindi balewala yun. pero naisip niyo ba na ako pa rin naman in the end ang magdedecide? grabe. at naisip niyo rin ba na hindi lang naman ako ang nag-iisang ganito ka-tanga sa mundo para ganun? ewan.


ang labo nating lahat.


tapos sasabihin niyo nagdadrama ako. try niyo nga ilagay sarili niyo sa akin. as in tanggalin niyo lahat ng mga katangian niyo at isuot niyo yung akin at tignan ko lang kung hindi ba ganito naman talaga.


magalit kayo kung magagalit. galit din ako. nakakainis na. lahat ng tao sa mundo (o bobo magsabi na ginegeneralize ko kasi kung hindi ninyo alam mahilig akong mag-ganyan pero i don't really mean it, dahil syempre may gusto akong patamaan, duh), peke. mapagpanggap. nang-iiwan sa ere. nang-iiwan sa daan. bastos. makasarili. close-minded. makikipag-argue para lang masabi na iba yung stand. sumisigaw kahit hindi naman kailangan. sama nang sama sa ex nagmumukha tuloy tanga. tutulong kunwari pero nagpapalala lang naman pala (sabi rin yan ng nanay ko). nagpapanggap na ayos lang kahit hindi naman talaga. nagpapanggap na galit pero ang totoo halos isumpa na.


sobrang lungkot, at sobrang nasasaktan kasi hindi niya alam kung kanino siya lalapit. dun sa ex nya na pag kasama nya alam nyang umiirap lahat ng makakita. dun sa mga akala nya kaibigan pa rin nya pero wala na mula nang piliin nya ang boyfriend nya na ex na nya ngayon na pag kasama nya alam nyang umiirap lahat ng makakita. o dun sa mga taong pakiramdam nya pinipilit lang naman nya ang sarili nya (though of course i'll admit i'm just assuming, so don't go mad at me, okei?).? ang saya.


iniisip ko, magbabakasyon na lang ako somewhere. yung malayo pero may kakilala pa rin ako. hmm.



DISCLAIMER: syempre galit ako. so baka bukas magbago na naman ako at ma-realize ko na mali ang mga iniisip ko. but still. isipin niyo rin naman yung kalagayan ko. alam niyo na yung circumstances eh. grabe. kahit hindi naging kami ni jorge, kung naging super close naman kami, sasamahan ko pa rin siya. atsaka ano ba. next sem di na kami masyado magkikita. ano pang mangyayari. edi wala na, db? di niyo alam yung feeling. lalo na, wala naman kayo nung pinagdaanan namin ang lahat. plus, ganun pa rin naman. nababalewala pa rin ako. at ayos n sken yun. darating ang lahat na kahit pakyuhin nya ko sa harap ng napakaraming tao, wala na akong pakialam. not because sobrang tanga ko na kaya hinahayaan ko yung mga ganun, but because... basta hindi dahil tanga na ako. ugh.

29.9.08

dear jorge,

i do well hope that someday you would realize, everytime you put on that stupid dirty finger sign, you're really making me look more stupid. grabe. have i not known you well, baka wala ka na talaga ngayon. tangina.

stop it. grabe.


even if it's not me you're directing that dirty finger.


only dirty people do that. not to add the dirt, of course. hahaha.

grabe. ulit.

wala lang.


ewan. haha kakairita.




mag-aaral na ako for BA at Stat.
^_^

27.9.08

i guess...

...i'll be seeing less of you in the next few months... or maybe years, even...


i don't really like the look of it.


sana lang, manatili tayong close if not intimate. hahaha.


you're simply the bestest friend i ever had, no matter how i think of you as a loser. hahaha that's why it's weird. that's why it's fine with me to be with you, even if i look stupid or it shows that i still want you or whatever. well, i do still want you, really. but i've reduced my hoping of things, which i choose not to elaborate further.


and i really don't want to see less of you. i never get tired of your presence, anyway. i mean, i don't get tired of your face because if ever you might have noticed i don't really look at you that often. i'm a weird person, i am. when someone is close to me, it is seldom that i look at him/her. hahaha when i always look at someone's face, it's his face that i'm looking at, see? it's different from looking into his face. and that's just what i do with you.


well i just want to say that (for some reason i do not know and i do not want to know though i've pondered on it for a few times) uhmmm... you'll always be special. far more special than - you know, luis or all the ones i've "loved." i mean, super dramatic as it may seem, you'll always have a special place in my *rotten* heart which i will just keep for you. kahit may dumating ng iba. i won't go saying "sa'yo lang ako" to anyone at all. because no one really owns me for himself.


and i hope that no matter happens we'll just stay as close as ever. i mean. basta. kahit may pamilya nko or ikaw or what. i just want to assure myself. hahaha


pero ayos lng kung hindi.


you know, i'm ephemeral as well. :)


anyway, i'm sorry if i really never showed how special you are. to me.

but you are. God damn it. you really are.
*witch-like laugh*



i really cannot remember how i do that witch-like laugh anymore. you know, the one you and jox always say. hahaha.




/*this is a very stupid post because i'm crying by the time i was saying that part that he will be always special. this really, really is. i hate crying while blogging.*/

25.9.08

oh well.

i do not mean to make any "pasaring" or whatever. and this goes to everyone (i intend) so don't go saying "pinatatamaan niya ako" or "sorry lang" or whatever. i'll really pounce on anyone who'd do that.


and don't go proofreading this. hahaha.


anyway. here goes.


i do believe that friends do not exist to make your life become the ideal (life, i mean). we (i use "we" because i'm kinda including myself. as a friend. and as a person. hahaha) may be here to make it perfect, but perfect does not equate to ideal, though one may take them as synonyms or whatever.

no.

excuse me but no one lives to please anyone, not in the least to please F-R-I-E-N-D-S. if you are a friend, don't expect that your friends should please you, meaning anything they do that you do not like will almost make you hate them. true, we get as much disappointments from friends as we do from enemies. might be even more, now that i think about it.


it's good to do one thing at a time, like listening, giving advices, confiding, leaning, hugging. but not all the time. i have proven that with the help of someone. i mean, even seeing
all the time the person you want to be always with is tiresome at times. you get to realize that you wish you could go back to feeling the yearning inside you. the longing to see that person again. and again. but i'm well off my point now! anyway, what i want to say is, don't go tiring your friends, because even if it shouldn't be, or rather it seems it shouldn't be, but friends get tired too, you know.


don't go always worrying them or they'll end up being indifferent.


heed their advices but do not depend on them like you don't know how to think at all.


and don't go thinking that scars do nothing but remind you of the wound that caused it. it should, you know, that's really what it's for. but then, you should know as well that you might not want to add more scars or re-open the wound or anything, so don't brood over these matters every moment of your life.


i also think that if you have anything you wish to tell your friend, or friends, either you go tell him/her straight or wait until they don't bother you anymore. so even if you think he/she is having a big bubble as a head and you really wish you could pop it or something like that and you wish that he stops existing or anything, sabihin mo na lang, utang na loob. mag-sorry kung magso-sorry. i-confront kung ico-confront. yakapin kung gusto yakapin. don't wait for the
right time, because it will never come.


and don't be bothered by what he would say or do after you told him whatever it is you want to tell him. dear me. who cares about what
should happen? what should you do? no one, really. everyone just guesses, but you are the one who'll do the making. basta. tangina. wag niyo nang hintayin na sumabog na lahat ng stars sa kalangitan o kaya si Jadis ay nandito na sa mundo natin at ginagawa ng winter ang buong panahon.


and don't go finding other people that you have a similar opinion against anyone. i say, anyone, not anything. it's a bad habit, you know. it's like you're conspiring against this someone. nakakairita e.


and really, never expect anyone to CHANGE as if that's as easy as changing your underwears. ilabas niyo lahat ng gusto ninyong ilabas, pero don't expect an immediate change. don't even desire for the change you want. basta. yung tipong, ang sama-sama niya, tapos nasabi mo na sa kanya na masama siya, tapos ineexpect mo the next day kabaliktaran na siya. tae. magbasa kayo ng Narnia, para masaya. a person will change when he/she feels he/she ought to.




wala lang.


these friendship issues and all. syempre, affected din ako sa lahat ng sinabi ko. i realized them, but i don't think they'll sink that fast. they're hard to accept, i know. syempre nagawa ko na rin lahat yan. naranasan ko nang makinig, pakinggan, balewalain, pagalitan, pagkaisahan, pag-usapan, at i-backstab ng mga kaibigan ko. er. of course, i still regard some of those who backstabbed me as friends, because i don't think someone has done so. yet. and i think, i mean. hahaha.

24.9.08

grabe.

i feel so lonely. as in yung tipong nakaka-depress na depression. basta, yung hindi ko magawang isipin na makakaya ko lahat ng ito at malalampasan ko lahat ng ito at kung ano pang pagmomotivate sa sarili ko'y hindi talaga gumagana.

kanina nga akala ko hindi ako iimik ngayong araw na ito. pero hindi. hindi ko lang talaga mapigilang magdaldal.

hindi ko mapigilang tumawa pag may nakita akong katawa-tawa (para sa akin, i mean).

hindi ko kayang magkunwari na hindi nakakairita ang mga bagay na tulad ng pagtalsik ng putik sa binti ko habang naglalakad.

pero ang weird. ayoko nang magdrama pero sa totoo lang kasi, gusto ko na talaga iiyak lahat ng ito. alam niyo yun, yung ramdam mo sa sarili mo na kapag umiyak ka, alam mo na makakaya mo na talaga kung ano man ang challenge na gusto ng Diyos na harapin mo para maging mas matatag ang pananalig mo sa Kanya and all.

ewan ko ba.

iniisip ko nga, manood siguro ako ng drama. yung sa sine mas maganda. feeling ko may mangyayari eh kapag ganoon. maiiyak talaga ako. i mean, (naalala ko lang okay?!?!) tulad noong summer. dumating yung time na akala ko hindi ko na iiyakan yung break-up namin ni Jorge kasi it's been (back then) about a week or so since i actually cried, whether consciously or not. tapos this time came when i downloaded a song to test whether songs are enough to cry for me. yung tipong akala ko (at alam ko actually) na makaka-relate ako sa song but i did not really think of crying because of hearing it, for heaven's sake. and i did. grabe. i think that song was "How Could An Angel Break My Heart?" actually there's another one, also sung by Tony Braxton, "Unbreak My Heart." before summer classes ended i erased them from my mp4 player. oh dear, i really couldn't help crying then, it's funny remembering i did. hahaha. and, oh dear! i was actually inside a bus when i cried! i don't remember if i had a seatmate then; i don't think so. or maybe he/she was asleep. i don't know. not that it really matters.

but my point is, i really want to cry. but i don't think listening to those songs wouldn't make me cry anymore. i mean, my broken heart isn't the issue here, so those songs won't really make any impact. i don't know the problem at all.

that's it.


everyone knows that the first step in problem solving is identifying the problem.


and something started to bother me.

20.9.08

yung background ko

ay kinuha ko sa batangas noong camping namin na ginanap sa date na naka-indicate sa lower-right corner ng pic.

saka ko na i-eedit ha. hehe di ko pa naiinstall yung photoshop and all. :)

19.9.08

pfffft.

kakairita naman.
di ko sya nakita. hahaha

what does it matter?

wala lang naman.
pfffffffft.


weird pa naman un... daming nalalaman. hahaha maybe that's why i like him so much.

and yet there are times when i just can't help but despise his existence as well.




wait, let me rephrase that.
i can't help but despise the fact that some people simply love to do flirting. and he's one of them.

so i don't really despise his existence. nyahaha


and i just can't let him read this.


hahaha inedit ko. madededuce agad ni Gens pag nakita nya yung binura ko! hahaha tama na Gens. dami mo ng alam. :D hahaha joke.

15.9.08

weee~

2330. at nandito pa rin ako kanila bamba. ^_^


whatta day. hahaha. sheeeeeeeeeeeeeeeeet. papatayin na ako ng nanay ko. well, ayoko pa mamatay, gusto ko lang maglaho. T-T

8.9.08

dear jorge,

salamat sa pagtawag.

hahaha.



mejo masama pa rin loob ko. pero ayun. salamat pa rin sa pagtawag. para lang mag-goodnight.

miss na miss na kita.


i guess i haven't really forgiven you yet. but then again... ikaw pa. ahaha.





love,
michaelle

3.9.08

dear jorge,

sorry naman kahapon ha.

pumunta ako dun (1) dahil na-miss ko rin naman ang tambay moments at (2) dahil pupunta ka. sabi mo.


at sana kapag umaalis ako nang ganoon... ewan, nung nagreact ka kasi... ewan... nakakabigat ng loob...


hindi ko alam kung bakit...




-michaelle

1.9.08

dear jorge,

alam mo ba, sobrang nasaktan lang naman ako noong i-text mo ako noong sabado nang "One thing mykel. Wag kang epal." grabe. hindi pala sobra, pero nasaktan pa rin ako.

at kanina, sobra-sobrang nairita ako nang sabihin mong dahil lang iyon sa pag-tag ko kay Jo. putang ina. sorry ha, naistorbo ko ba ang pakikipaglandian mo? sorry talaga.

magalit ka man sakin, ang sasabihin ko lang eh nilagay ko ito dito dahil nga sobrang nairita ako. kahit kailan wala kang respeto. yata. ewan ko. aangkinin mo ba si jo? well i hope hindi ka magtagumpay. wala akong pakialam kung sasabihin mong impossibleng pagsawaan mo sya pag naging iyo na sya. whatever.

sobrang sinaktan mo ko noong nakipagbreak ka, tapos hindi ka pa nakukuntento talaga. tangina ka. gago ka.


pasalamat ka mahal pa rin kita. at weird ako kaya hindi kita pinapakulam at hindi ko hinihiling na mamatay ka na. just that maglaho ka na lang sa buhay ko, kasama lahat ng alaala mo. kasi hindi ko ikatutuwa kung tuluyan ka nang mawawala tapos iiwanan mo ako ng masasakit na alaala.


at alam mo naman na mahal pa rin (ata) kita. i mean, nasabi ko naman sa iyo di ba? hindi mawawala iyon kahit magbreak tayo. pero pag may pumalit, ibig sabihin mas mahal ko siya kaysa sa yo.


ewan ko. ayokong maging kayo ni jo. dahil sobrang sinaktan mo ako. gusto kong malaman nya lahat yun. kaso mukhang paninira yun pag pinaalam ko sa kanya lahat di ba?

and think about it. yung connections mo sa kanya. dati si greg. ngayon? haha alam ko kung paano pwede ba.

at nakakairita ka.



can't believe i love you. hahaha but i do. i really do. and it's pathetic.




at hindi ko kayang sabihin ito sa iyo. wala akong kayang sabihin sa iyo nang harapan kung alam kong mag-aaway tayo or something. basta. ayaw kong magka-away tayo eh. kasi pag nag-away tayo nang bongga, baka hindi na tayo magka-ayos. and i'd really hate that.





love,
michaelle.

hello!

really been a long long time.

anyway, i'm really not contented with this design. it's just a pre-set template of blogger. as soon as i have enough time to edit a photo that i would deem fit for my site, of course, i'll fix this.

behold.

kung dati puro jorge.
ewan ko lang, baka ganoon pa rin.

this is my blog, and it'll be what i want it to be.


^_^


weee.











"bakit may hiwalay ka pang blog?"
"eh kasi hindi naman ito ganoon kadalas na dinadalaw, hindi tulad ng sa multiply ko. ^_^"


ayan ah.
hehe.



saka in fairness, madaling mag-post dito. kasi pwede akong mag-send thru email. nyahaha.

20.7.08

Free-IQTest.net

IQ Test
Free-IQTest.net - IQ Test
wow.
ang tagal ko ring hindi nadalaw sa blog kong ito.

^_^