I would dance in the pouring rain.
I would bask under the summer sun.
I would do a lot of things again
For time waits for no one.
21.7.07
7.7.07
yeah right... kaya nga nasasanay ako hawakan kamay ng iba tapos magugulat ako kasi iba yung pakiramdam... hahaha at magugulat ako kasi hinawakan ko kamay nila! haha feeling close tuloy hitsura ko! putek...
"...pinapanalanging lagi tayong magkasama hinihiling bawat oras kapiling ka..."
nababasa mo? pinapanalanging lagi tayong magkasama... masakit kaya yung makikita kita tapos sa malayo lang... pero mas masakit pag hindi kita kasama kahit pwede namang magkasama tayo... sorry ha kung ang babaw ko... ayan na nga dito na lang sinasabi... nakakahiya kayang sabihin kasi nga ang babaw tapos tatampo-tampo ka naman tapos itatanong pa, "di mo na ba ako mahal?" ano ba... sino mahal ko kung hindi ikaw?
"...sa lahat ng aking ginagawa ikaw lamang ang nasa isip ko sinta..."
ayan. ever since mahulog ako sa'tin nag-apply na yan. kaya minsan wala akong nagagawang homework. pero di mo kasalanan yun, don't worry. sabi nga ni alistair, sabi ni silver surfer (tama b?) we always have a choice. e sa gusto kong isipin kung kailan ulit tayo magkakasama eh... kailan ulit kakain sa kfc (tulad kanina!) o kaya kailan ulit ako sasabay sa'yo hanggang alabang (tulad din kanina! haha dami nagbago sa slex. iba n ad ng silverworks. kaso mas gusto ko pa rin yung gabi... la lng...) o kaya kung kailan ulit kita magiging classmate... ayun... totoo naman yun talaga naiisip ko... and readers, for everyone's information, pag po nag-day dream ako o basta pag nag-imagine ako ng something na pwede naman mangyari, talaga pong napapatigil ako sa kung ano man ang ginagawa ko. that's also how i can stand being alone after being left alone.
"...sana'y di na tayo magkahiwalay kahit kailan pa man..."
onga... sana nga talaga... nadedepress na talaga ko kasi hindi tayo magkasama... isipin mo naman kasi, buong taon last year magkasama tayo... except weekends malamang... pero at least pag nag-aaway tayo at kunyari di kita pinapansin... nakikita pa rin kita... saka nababantayan... at nasasaway pag inaatake ka ng... er... ayun... tulad nung nagmura ka kay sir luna... ahaha pero ngayon hindi na naman ata ganun... nakita ko naman kahapon, you seem to be fine nung dumating ka sa bahay ng alumni... buti ka pa kasama mo blockmates mo... ako kung di ko pa nakita si abychu ndi ko maiisip na tumuloy na lang sa concert..
"...ikaw lamang ang aking minamahal... i
er... no need to explain... haay... sana naniniwala ka pa... wooooooooooh sana wag mo ko tinatanong kung mahal pa kita! sensitive ako sa ganun eh... sabi ko naman sa inyong lahat, ako ang may pinaka diverse na pagkatao sa lahat ng kilala ko sa buhay ko... promise po yan, kahit sino walang makaka-assume kung ano ang irereact ko sa mga issue tungkol sa love life, lalo na kung tungkol sa akin... hahaha sorry talga, napakababaw ng girlfriend mo...
"...makapiling ka habang buhay, ikaw lamang sinta... wala na kong hihingin pa, wala na..."
wala na talaga Lord... magshift po kaya ako sa Computer Engineering? ay ayoko nun... if ever, comsci n lng... wala po akong tiyaga sa pagkumpuni ng computer dahil malas ako dun... pwede po sana gabayan niyo ako sa BAA dahil masaya naman ako sa mga tao dito... ^_^
"...ayoko nang maulit pa ang nakaraang ayokong maalala..."
first year-second year and third year days. hahaha ang saklap nmn ng part na toh. xD o, ayoko nga maalala. ahaha ano ba yun? dko na rin maalala
"...bawat oras na wala ka parang mabigat na parusa..."
ayan o! ayan! bawat oras na wala ka parang mabigat na parusa... bakit ba pag kung pwedeng magkasama tayo, tapos hahanapin kita, wala ka naman? tapos darating kung kailan aalis na ako!!! hay... tadhana... kapalaran... bakit ba? ba't ba ako pinaglalaruan ng tadhana?!?! grrr... di mo kasalanan... pero maybe we could do something about it?!?! [yeah, this is the fight between us and (destiny and fate)!!!] di nga... sorry ha... gusto ko lang i-max-out ung time na pwede tayo magkita...
"...huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba, hindi ako tumigil magmahal sayo sinta..."
ay naku, nababasa mo? kahit pa nabubuisit ako sa'yo hindi ibig sabihin nun hindi na kita mahal... nor pag bumitaw ako... siguro pag nalulungkot ako bumibitaw ako, pero promise hindi naman po yun dahil sa hindi ko gustong magkahawak tayo! haaay... at maraming marami pa akong gustong i-explain pero bakit ba hindi natin toh napag-uusapan...? hay... sorry talaga... napakawalang kwenta ko... alam kong magrereact ka, please refrain from over-reacting... magreact ka pero wag naman yung parang bata magreact... malalaki na po tayo...
basta ang lungkot ko talaga ngayon... sana talaga hindi ako sensitive na tao para hindi ako madaling maapektuhan ng ganito lang...
woooh gwapo talaga ni chito.