shet talaga. mahina talaga ako sa mga ganito e, yung mga outing. knowing the person that I am, talagang hindi ako madaling maka-get over at talagang nalulungkot ako pag alam kong tapos na yung mga outing, or whatever. kasi nag-enjoy talaga ako at ayaw kong matapos. and I'd crave for more.
anyway, Friday ng tanghali. nagtext si Jorge na naroon na sya. alas-dose pa lang. maliligo pa lang ako noon. dumating ako doon nang saktong ala-una. at si Jorge pa lang din ang nandoon, kakagaling lang daw nya sa net shop. haha wawa naman. sabi ko nagugutom ako, kaya naman nilibre nya ko ng chicken fillet. (salamat Jorge!)
Di nagtagal matapos naming kumain ay dumating si Leah. Nagkwentuhan muna sandali, tapos dumating si Erick. Dumating din si Almi (pero di sya sasama), tapos dumating na rin sina Flori, Roemel, at Sarah. Teka walo dapat kami... ayan walo naman pala. Akala ko may kulang pa. Tapos ay pumunta na kami kanila Inna - pero actually nagkita kami sa Jollibee Sta. Ana. Naiwan yung iba para mamili doon sa grocery store, habang kami nina Jorge, Almi, at Roemel ay dinala muna ni Inna sa bahay nila para mag-iwan ng gamit. Para na rin makapag-charge si Jorge ng kanyang selepono, at para na rin uminom sya ng gamot (sumakit ulo e, dahil yata sa excitement). Bumalik sina Inna at Roemel at nagbonding habang naglalakad para samahan sina Leah&others sa pamimili.
Nang bumalik sila ay tinapos lang namin yung John Tucker Must Die tapos umalis na kami - iwan si Inna kasi kakanta pa sya. Nanay nya naghatid sa amin. :) Dadaanan dapat namin sina Ivan, Rap, Jox at Jaeruth sa simbahan pero wala pang sampung metro ang inurong ng sasakyan nang makita namin sila (kasama nila si Lee na kaibigan *ehem* ni Inna kaya nalaman nila kung paano pumunta). Sumakay na rin sila, kaya naman ang nasa likod bale ay ako, si Jorge, Ivan, Sarah, Almi, Roemel at Flori. Ibinaba namin sina Sarah at Almi sa Del Pan kasi di sila sasama. :( Mga isang oras yata ang biyahe, o higit pa nang kaunti. Tapos dumating na kami sa Donya Salud.
Shet lang yung place. Yun lang yun. Sobrang thankful kami kay Inna at sa nanay nya. Bale tatlong cottages, tapos may isang parang kitchen-dining room, na mayroong ref, matinong lababo, matinong kalan, matinong dispenser, matinong table, matinong banyo (one for girls at one for boys na wala namang pinagkaiba, tas isang cubicle din for shower pero walang shower gripo lang), lahat matino. Come on. And there were frogs everywhere. Tiny frogs. Astig talaga. Si Jox tumatakbo pag nakakakita e. XDDD And the pool? Astig pare. ASTIG. Mainit yung tubig. Astig talaga. Tapos yung mga cottages may ilaw at ELECTRIC FAN. Astig lang talaga. At ang paghahatian = FIVE HUNDRED PESOS. SALAMAT TALAGA SA LAHAT NG NAG-CONTRIBUTE!!! >_<>_< Sorry po!!!
Pero anyway, habang hinihintay yung ibang hahabol, edi lumangoy na kami! Grabe talaga. Tapos nalaman namin Signal #3 daw. HAHAHA Ambon pa lang naman nararamdaman namin so ayos lang. Kwentuhan sa pool. Syempre di ako marunong lumangoy so super KJ ko (even to myself). May nakita pa ata akong multo kasi may tumakbong someone papunta dun sa may gitna ng dining room at nung isang cottage tas pagtingin ko kumpleto naman kami. O_O tapos may mga kinwento rin si Erick na nakakatakot talaga. EXPERIENCES WITH GAY MEN. takte. xDDD
Nang bandang ala-una ay gusto na naming umahon kasi nararamdaman na namin yung bagyo, alam nyo yun, pero kahit nga kamay lang namin itaas namin e sobrang lamig na. Naka-huddle na kami doon sa kiddie pool, naghihintay na sugurin kami ng mga army ng maliliit na palaka. HAHA JOKE. xD Pero talagang pag may nag-aattempt na umahon, balik din agad sa ilalim. Grabe. Wait nakakain naman kami ng hapunan bandang mga 8pm. Haha so anyway, fast forward ulit, di nagtagal e di ko na nakaya at gusto ko na talagang maligo at matulog. Or not, gusto ko kumanta sa bidyoke (na hindi matino. may topak e. the only thing na hindi matino haha joke. XD). Pero gusto ko na talaga maligo. Haha pero isa ako sa mga huling nakaligo. Nang makaligo kaming lahat ay nandoon na ulit kami sa cottages, bale hinihintay na lang sina Inna. Namamatay-matay na yung kuryente. Ten times na syang nangyayari nang dumating sila Inna. May dala silang cake at drinks, at kasama nya sina Iric, KatM at Habon. Haha! Tapos mga ten minutes lang na naroon sila, nagBLACK OUT na nang bongga. So nagsimula na ang adventure.
May dala silang Tanduay ICE na super trip ko yung lasa. Haha
Nag-inuman kami sa dilim. Punyeta lang si Rap na lalakad-lakad tapos biglang mangangalabit. Tangina talaga. xDDD Ang ginawa namin - sa amin na yun. Pero ito lang, ayaw ko (at ni Jorge din daw) talaga uminom. Kasi BEER yun. YUCK. Pero KJ na masyado so tinry na lang. dalawang beses lang din naman. Haha yup, naubos yung apat na litrong RED HORSE in three rounds (sa kanila, sa amin ni Jorge at Flor e two rounds lang lol). Yung mga pinag-usapan? Wala ka na dun kung wala ka dun. HAHA
Tapos nung ubos na, naisipan naming magkwentuhan na lang ng nakakatakot. Inulit ni Erick yung mga kinwento nya nung nasa pool kami. Tapos nagkwento rin si Jox. PURO ASWANG. MANILA PAPER FTW!!! takte tlga. xD tapos nagulat na lang ako paglingon ko sa langit e nakikita ko na si Makiling. XDD dahil doon mas naramdaman namin yung antok. Kanya-kanyang hanap ng paraan. Nung una dun ako sa basang foam sa sulok - yes, nabasa yung mga foam sa cottages, so bago dumating sina Inna e pinalagay na nila sa kitchen, pero dalawang cottages lang yung kinunan ng foam. Anyway, dahil nararamdaman ko yung pagtalon-talon ng mga palaka, at kahit di ko naman ayaw sa kanila ay ayaw ko lang talagang matulog nang ganun, umalis na lang ako. Di nagtagal nakahanap kami ng pwesto nina Jox, Jorge, Ivan at Jaye. SINUBUKANG MATULOG pero sampung minuto lang ata yun. Most of the time nakahiga lang kami. Buti may kumot ako, at maganda yung kumot ko talaga, so kahit paano nababawasan yung lamig. Haha
Nang lahat kami ay dilat na ulit (may ibang nakatulog ng matino. Grabe haha) ay naghanda na sila para sa agahan. Ako talagang parang empty shell na naglalakad. xD tapos sabi nila noong mejo tumila na raw yung bagyo e dumating daw si PANDA tapos kumakain nung bamboo doon. HAHAHA tangina ewan ko kung saan nanggaling si Panda, basta si IVAN nagsabi sa amin noon. Laughtrip talaga. Panda. tapos after daw nya kumain ng bamboo naglaro pa raw sya ng baraha. tapos nung paalis na sya, nakita nya yung pool, kaya lumangoy-langoy daw muna. XDDD ang dumi kasi sobra ng pool, puro dahon hanggang ilalim. HAHA e yung mga latecomers di pa nakakalangoy. so ang ginawa nila nilinis nila yung ibabaw tapos lumangoy na rin. XD sabi kasi mga 12 pa raw darating yung maglilinis. Sabi ko after na lang malinis talaga yung pool saka ako pupunta.
So habang nagkukulitan sina Habon at Iric, habang lumalangoy yung iba at yung iba ay inayos na yung isang cottage para makatulog sila nang matino kahit walang foam dahil basa, kami rin ni Jorge mejo inayos yung isang cottage. Tas inattempt naming matulog, pero syempre nagkwentuhan lang kami. XD well, sabi nga nya, nakakamiss rin yung ganun (aw naiiyak nko). haaay. tapos umalis na sya kasi kakanta raw sya. so nagpanggap akong tulog for about 30 minutes tapos bumangon din ako. Kumain ng tanghalian. Tapos after noon sumama na ako kanina Roemel, Habs, Leah, KatM at Flori tas naglaro kami sa pool. HAHAHA tapos di nagtagal sumama na rin si Iric. Pero umalis na ako kasi gusto ko na maligo.
Malaman-laman namin ni Jorge nasira yung motor kaya walang tubig. Inigiban kami nina ate caretaker (grabe ang bait nila!!!) at naligo na kami. Tapos nagsi-ligo na rin yung iba. Tapos... Awww the end is near. >_< hay.
Sayang, di ko naman makkwento yung the best part ng overnight outing nang buo. Madilim kasi e. XD hahaha pero super nag-enjoy talaga ako. Sa totoo lang, the best siguro yun para sa akin. First time din na outing ng Lawrence yun. Grabe.
I would just like to say pala, na na-touch ako kay Ivan - at syempre sa kanilang lahat, noong nagcconfession session kami. Hehe grabe. Sorry, tanga lang talaga ako. XDDD