Ito ang tingin ko sa issue na ito.
Kapag nagkkwento tayo, karaniwan syempre chronological ang pagkukwento natin. Kung baga, inuumpisahan natin sa kung saan man tingin natin nag-umpisa ang lahat. Take note, tingin natin. Kasi nga there's always two (or more) sides of a story. Tapos, sunud-sunod (as far as we know) hanggang sa kasalukuyan, kung saan kumukulo na ang problema't hindi mo na alam ang susunod mong gawin.
Hmm.
Kapag nagkwento ka na maayos naman ang pag-iisip mo, meaning hindi ka naman naguguluhan at may desisyon ka nang balak mong i-implement, kapag nagkwento ka maaaring may mapag-connect ka pa rin na hindi mo naisip habang nagcoconsider ka ng mga alternatives. Maaaring gumamit ka ng maling analysis tool. Halimbawa, imbis na gamitin mo ang SWOT (Strengths, Weaknesses, Opportunities and Threats) Analysis, ginamit mo yung Porter's 5 Forces. Kapag nagkkwento ka sa isang tao, dahil interactive na ito at may mga tanong syang maaaring ibato or may naisip kang baka ibato nyang tanong, mas napapalawig mo yung pagiisip tungkol dun sa problema mo.
Lalo naman di ba kung gulong-gulo ka? Habang nagkkwento ka, una sa lahat nagiging kalmado ka. Either dahil maiisip mo by yourself na baka wala syang maintindihan sa'yo kaya kailangan kalmado ka. Or wala kang maalala kaya kailangan kalmado ka. Or talagang pinapakalma ka na nya. Alam mo yun? Tapos syempre aalalahanin mo na, ano nga ba yung nangyari. Saan nga ba nagsimula?
Tapos ayun, minsan maiisip mo, ako pala yung nagkamali.
Ganoon. And many more. Kaya nakakatulong talaga na magkwento ka.
Paano kung walang mapagkkwentuhan kasi wala ka nang tiwala sa mga tao sa paligid mo?
1) Magkwento ka sa isang outside party na remotely possible na maging involved sa issue. Ang hindi maganda dito ay hindi naman sya ganoon ka-pamilyar sa iyo at sa iba pang involved so baka hindi angkop yung maipayo nya (kung hihingi ka). So kung ito ang gagamitin mo, make sure na bigyan mo rin sya ng background tungkol sa personalities etc nyo. Hindi lang yung tingin mo sa issue. And make sure na objective sya.
2) Magkwento ka sa isang kaibigan na mapagkakatiwalaan mong hindi makakadagdag sa kaguluhan ng issue. Sa isang tao na alam mong kahit ikwento nya sa iba, ayos lang, dahil gagawin nya yun hindi para mang-tsismis kundi para makatulong pa rin. Either para magkaroon sya ng mas malawak na pang-intindi based sa experience siguro ng pagkkwentuhan nya, para maaadvise naman nya yun sa iyo, or para makuha rin yung kabilang side. Alam mo yun, hindi naman para ipagkalat yung baho nyo.
3) Kaya nga may blog e.
Orayt. Acads ay 0 accomplishments pa rin. Bakit kasi walang libro?!?!
Wait. BAKIT KASI ANG MAHAL NA NG MGA BAGAY SA MUNDO? Leche.
No comments:
Post a Comment