3.7.16

UGH

Yung pagtanggi sa tulong na alam mong hindi mo mababayaran, hindi pride yung pinapairal mo dun. Kundi yung kakilanlan mo sa sarili mo. Dahil marami ng tao ang inutangan mo ng loob at di mo nabayaran nung naningil na sila.

Yung magpanggap na hindi mo kaya kahit di mo pa sinusubukan, yun katangahan yun.

Yung mangialam sa karapatan ng iba na magdesisyon para sa sarili nila? Tang ina don't even. Una sa lahat wala kang karapatang pangunahan ang iba kahit gaano mo pa kagustong mangialam, kung dahil lang tingin mo mas alam mo ang dapat gawin dahil nakatatanda ka. Hindi ganoon ang buhay. Lahat tayo may kanya-kanyang decision-making process. Lahat ng desisyon natin may kaakibat na risk yan (cue: decision-making tree). So kung ikaw tingin mo malaki yung risk sa desisyon na yon, WALA KANG KARAPATANG PANGUNAHAN YUNG DECISION-MAKER. AT THE MOST YOU CAN ONLY OFFER YOUR ADVICE. TANDAAN MO HINDI IKAW ANG MAGLLIVE THROUGH THAT DECISION. HINDI PAREHO ANG CIRCUMSTANCES MO SA KANYA.

AT HIGIT SA LAHAT NAPAKA-IPOKRITO NG MGA TAONG MAGSISIMBA-SIMBA, MAGBABASA-BASA NG BIBLE, TAPOS AAPAKAN YUNG FREE WILL NG IBA. KAHIT DIYOS HINDI GINAGAWA YON.

Kaya dapat lahat matuto ng lahat ng natututunan sa BA e. Daming matututong magdesisyon para sa sarili nila pag nagkaganon.

No comments: