isusulat ko lang. kung di ko maalala, hmm hmm hmm na lang. XD
adik sa'yo, awit sa akin nilang sawa na sa'king mga kwentong marathon tungkol sa'yo at sa ligayang iyong hatid sa aking buhay. tuloy, ang bida sa isipan ko'y ikaw.
sa umaga't sa gabi, sa bawat minutong lumilipas, hinahanap-hanap kita. hinahanap-hanap kita. sa isip at panaginip, bawat pagpihit ng tadhana, hinahanap-hanap kita.
sabik sa'yo kahit maghapon na tayong magkasama - parang telesine. ang ating ending, hatid sa bahay nyo (lol). sabay good night (more of good bye), sabay may kiss. sabay bye-bye.
pilit ko mang ika'y limutin, lagi kong natatagpuan ang iyong tinig at awitin twing sasapit ang ulan. mga linggo pang pinagsamahan para bang nalimot na ng yong pusong biglang lumisan. may kapiling nang iba.
sa school sa flag ceremony (high school, lagi ako late.), hanggang uwian araw-araw, hinahanap-hanap kita. hinahanap-hanap kita...
AT KAHIT NA MAGKA-ANAK KAYO'T MAGKATULUYAN BALANG ARAW, HAHANAP-HANAPIN KA. HAHANAP-HANAPIN KA.
wala, may namimiss lang ako. ayun lang. kasi lately di ko sya pinapansin na tulad ng dati. yung dati yung tipong makita ko pa lang sya sa malayo abot mars na yung ngiti ko. yung dati yung kahit tarayan nya ako hindi ako maddown. yung dati yung babatiin ko sya ng good night hindi dahil ginagawa ko yun nung kami pa kundi dahil gusto ko lang talagang good ang night nya. pero wala, lahat binigyan nya ng maling kahulugan. hindi, tama yung kahulugan pero mali yung pagpapahalaga nya. akala nya yung mga bagay na ginagawa ko, ginagawa ko dahil hindi pa ako nagllet go. tanong ko lang, pati ba pagiging magkaibigan hindi tayo pwede? bawal nang magkaroon ng contact, ganoon? hindi ibig sabihin na pag humahawak ako sa braso mo or whatever eh dala yun ng fact at past na naging tayo. no, si jopay ginaganun ko. hindi dahil bakla si jopay, kundi dahil komportable ako sa kanya. at kung pagiging komportable lang naman sa isang tao ang pag-uusapan, sa'yo ko pinaka-komportable. pero bakit mo kailangang alisin yun? gusto mo bang naiilang ako pag magkasama tayo? best friend kita tol, ba't ako maiilang dapat sayo? anong paki ko sa mga crush mo o sa mga babae sa paligid? bakit, kilala ka ba nila tulad ng pagkakakilala ko? di naman a. tumitingin ba sila sa'yo? di rin. haha joke. ewan, ang unfair e. ikaw yung nagsabi na di ka naman nawala.
iniwan mo na nga ako nung mga panahong kailangang kailangan ko ng taong makakasama e. bumagsak ako, ano, wala lang ba sa akin yun? pero ano, ginawa mo pa yung leverage. ang unfair talaga. dahil lang may gusto ka nang iba.
ang unfair. kasi nung iniwan mo ako, hindi lang pala bilang boyfriend. wala na akong pakialam sa boyfriend material, pero sana yung pagiging kaibigan di ba. hindi mawala dahil lang sa pagiging maingay ko. nakakairita? tingin mo sayo? kahit nga yung lagi mong kasama mula noong nag-college e... hay nako. ewan ko sayo - yan lagi mo sinasabi sa akin noon. haaaaay...
No comments:
Post a Comment