31.1.10

naalala ko lang

Noong isang araw, napadpad ako sa 3rd floor back lobby para "mag-aral" para sa nalalapit na midterms exam sa 115. Mga isang oras na lamang noon. Maraming tao roon, kasama na ang grupo nina Lambert sa Marketing.


Natutuwa ako sa grupong iyon. Noong minsan kasi for some reason sinama nila ako sa members ng group nila. Nawindang ako noon kasi baka mamaya pati kay Sir BP e nakalista talaga ako sa group nila. Pero ayun, false alarm, baliw lang si Marck. XDDD


Anyways, habang nag-aaral bigla na lang lumapit si Manuel Lambert Lopez at sinabi na gusto raw akong makausap ni Harry Bert Tajo. Hawak nya ang isang selepono na kinalaunan ay nalaman kong kay Tanjo pala. So, kahit na (at dahil sa) nagtaka ako kung nasaan si Harry Tajo e kanina nasa library lang sya - baka importante! - kaya kinuha ko ang seleponong hawak ni Lambert.


"Hello! Harry? San ka-"

Tinignan ko ang selepono. Nakalagay sa screen nito ang oras. 1400 something. Punyeta ka Lambert. Dahil diyan, ililibre mo ako ng double layered sundae.

No comments: