Parang tumataba nga ata ako. Sana. Icclaim ko yun. :)
Pagtingin ko sa pic nung Loverage (yung kasama ko si Chikk), parang ang bilog na ng mukha ko.
Tapos kanina nung nagsusuklay ako sa harap ng salamin.
Tapos nung nakita ako ni Tita Ana.
YEAH! kaya ko ito. bwahaha
Tatabaako.:D
I would dance in the pouring rain.
I would bask under the summer sun.
I would do a lot of things again
For time waits for no one.
18.2.10
Parokya ni Edgar Edgar Musikahan
sa tatlong taon (minus some months to be specific) na naging kami ni Jorge, hindi ako nagkaroon ng time na maging intimate sa Parokya band. Well, may Halina ako na album na binili ko at ireregalo ko dapat pero akin na lang para masaya. Tas syempre alam ko rin naman karamihan ng kanta nila. Bakit ko nasingit si Jorge? E sya number one fan (among many others) ni Alfonso e. I mean, ng banda kung saan lead singer si Alfonso.
Pero wala lang.
Nakikinig ako ngayon ng Solid. Tapos tawa ako nang tawa kanina sa tange. Nagmukha tuloy akong tange. Buti na lang sanay na akong nagmumukhang tange.
Problemado ako. Deadline ng pagbayad ng tuition bukas, wala akong pera. Please ipagpray nyo naman na gawan ni Lord ng paraan. Siya na lang ang makakagawa ng paraan dito. :)

7.2.10
hala ka.
bakit kita na-miss bigla? nasisira ang momentum ko.
pinaka-namimiss ko. hug mo. shet at sobrang nammiss ko. at nasasaktan ako for some reason. hala ka. :( miss na kita! :(

5.2.10
totoo kaya?
Totoo kayang tumataba ako? HAHAHAHAHA
Sana. :)
I'm really ever so at peace today, you know? Sana ikaw rin. It's not ordinary peace; it's God's peace. :)

4.2.10
---
Pag nagtitinginan kami, napapanatag ang loob ko.
Pag hawak nya ang kamay ko, panatag akong hindi kami mawawalay sa isa't isa.
Pag binubulong nya na mahal na mahal na ako, pakiramdam ko imposibleng matapos 'to. Hindi ako makahinga sa sobrang saya. Naiiyak ako sa umaapaw na pag-ibig at ligaya.
Pag yakap nya ako... pakiramdam ko malalampasan ko ang lahat ng ibatong problema sa akin.
Pag magkasama kami, tiwala ako na malakas ako.
Para sa akin, binigay sya ng Diyos - hindi ko sya hiningi. Hindi sya ang hiningi ko. Pero binigay sya sa akin. Kaya ganoon na lang sya kahalaga. Dahil hindi ako karapat-dapat mabigyan ng isang taong magmamahal sa akin nang lubos nang mga panahong iyon.
Kaya ngayon...
Matutulog na ako dahil matagal na akong hindi nakakatulog nang dahil sa gusto ko nang matulog. Alam mo yun, more of "gusto ko nang matulog dahil kailangan kong matulog kung ayaw kong mag-collapse mamaya sa UP."
Natuwa naman ako. Bago pumuntang DB, pagkatapos ng report, kumain kami ng mga kagrupo ko (well, di lahat - apat lang kaming kumain) tapos nag-videoke sa timezone. Mata, Decode (tae), Akap, Zombie, Everywhere, Love Story, tapos chorus saka bridge ng Goodbye To You. Sige, may mapansin kung may mapansin. XD tatlo ata dyan 100. o apat? XDDD medyo nakapag-relieve na ng stress ang lola.
Grabe, laging masakit tyan ko mula nung Linggo. >.< Sana wala lang ito.
In Jesus' name I claim victory over these adversities. Amen.

3.2.10
hinahanap-hanap kita.
isusulat ko lang. kung di ko maalala, hmm hmm hmm na lang. XD
adik sa'yo, awit sa akin nilang sawa na sa'king mga kwentong marathon tungkol sa'yo at sa ligayang iyong hatid sa aking buhay. tuloy, ang bida sa isipan ko'y ikaw.
sa umaga't sa gabi, sa bawat minutong lumilipas, hinahanap-hanap kita. hinahanap-hanap kita. sa isip at panaginip, bawat pagpihit ng tadhana, hinahanap-hanap kita.
sabik sa'yo kahit maghapon na tayong magkasama - parang telesine. ang ating ending, hatid sa bahay nyo (lol). sabay good night (more of good bye), sabay may kiss. sabay bye-bye.
pilit ko mang ika'y limutin, lagi kong natatagpuan ang iyong tinig at awitin twing sasapit ang ulan. mga linggo pang pinagsamahan para bang nalimot na ng yong pusong biglang lumisan. may kapiling nang iba.
sa school sa flag ceremony (high school, lagi ako late.), hanggang uwian araw-araw, hinahanap-hanap kita. hinahanap-hanap kita...
AT KAHIT NA MAGKA-ANAK KAYO'T MAGKATULUYAN BALANG ARAW, HAHANAP-HANAPIN KA. HAHANAP-HANAPIN KA.
wala, may namimiss lang ako. ayun lang. kasi lately di ko sya pinapansin na tulad ng dati. yung dati yung tipong makita ko pa lang sya sa malayo abot mars na yung ngiti ko. yung dati yung kahit tarayan nya ako hindi ako maddown. yung dati yung babatiin ko sya ng good night hindi dahil ginagawa ko yun nung kami pa kundi dahil gusto ko lang talagang good ang night nya. pero wala, lahat binigyan nya ng maling kahulugan. hindi, tama yung kahulugan pero mali yung pagpapahalaga nya. akala nya yung mga bagay na ginagawa ko, ginagawa ko dahil hindi pa ako nagllet go. tanong ko lang, pati ba pagiging magkaibigan hindi tayo pwede? bawal nang magkaroon ng contact, ganoon? hindi ibig sabihin na pag humahawak ako sa braso mo or whatever eh dala yun ng fact at past na naging tayo. no, si jopay ginaganun ko. hindi dahil bakla si jopay, kundi dahil komportable ako sa kanya. at kung pagiging komportable lang naman sa isang tao ang pag-uusapan, sa'yo ko pinaka-komportable. pero bakit mo kailangang alisin yun? gusto mo bang naiilang ako pag magkasama tayo? best friend kita tol, ba't ako maiilang dapat sayo? anong paki ko sa mga crush mo o sa mga babae sa paligid? bakit, kilala ka ba nila tulad ng pagkakakilala ko? di naman a. tumitingin ba sila sa'yo? di rin. haha joke. ewan, ang unfair e. ikaw yung nagsabi na di ka naman nawala.
iniwan mo na nga ako nung mga panahong kailangang kailangan ko ng taong makakasama e. bumagsak ako, ano, wala lang ba sa akin yun? pero ano, ginawa mo pa yung leverage. ang unfair talaga. dahil lang may gusto ka nang iba.
ang unfair. kasi nung iniwan mo ako, hindi lang pala bilang boyfriend. wala na akong pakialam sa boyfriend material, pero sana yung pagiging kaibigan di ba. hindi mawala dahil lang sa pagiging maingay ko. nakakairita? tingin mo sayo? kahit nga yung lagi mong kasama mula noong nag-college e... hay nako. ewan ko sayo - yan lagi mo sinasabi sa akin noon. haaaaay...

Subscribe to:
Posts (Atom)