Showing posts with label random. Show all posts
Showing posts with label random. Show all posts

4.2.10

---

Pag nagtitinginan kami, napapanatag ang loob ko.

Pag hawak nya ang kamay ko, panatag akong hindi kami mawawalay sa isa't isa.

Pag binubulong nya na mahal na mahal na ako, pakiramdam ko imposibleng matapos 'to. Hindi ako makahinga sa sobrang saya. Naiiyak ako sa umaapaw na pag-ibig at ligaya.

Pag yakap nya ako... pakiramdam ko malalampasan ko ang lahat ng ibatong problema sa akin.


Pag magkasama kami, tiwala ako na malakas ako.


Para sa akin, binigay sya ng Diyos - hindi ko sya hiningi. Hindi sya ang hiningi ko. Pero binigay sya sa akin. Kaya ganoon na lang sya kahalaga. Dahil hindi ako karapat-dapat mabigyan ng isang taong magmamahal sa akin nang lubos nang mga panahong iyon.

Kaya ngayon...



Matutulog na ako dahil matagal na akong hindi nakakatulog nang dahil sa gusto ko nang matulog. Alam mo yun, more of "gusto ko nang matulog dahil kailangan kong matulog kung ayaw kong mag-collapse mamaya sa UP."





Natuwa naman ako. Bago pumuntang DB, pagkatapos ng report, kumain kami ng mga kagrupo ko (well, di lahat - apat lang kaming kumain) tapos nag-videoke sa timezone. Mata, Decode (tae), Akap, Zombie, Everywhere, Love Story, tapos chorus saka bridge ng Goodbye To You. Sige, may mapansin kung may mapansin. XD tatlo ata dyan 100. o apat? XDDD medyo nakapag-relieve na ng stress ang lola.


Grabe, laging masakit tyan ko mula nung Linggo. >.< Sana wala lang ito.


In Jesus' name I claim victory over these adversities. Amen.