...kasi kahit i-imagine ninyo, hindi nyo pa rin mararamdaman lahat ng ito.
lahat ng sakit na ito.
syempre di ko alam kung bakit kailangang sa akin ito mangyaring lahat. at ayaw kong kontrahin. pero masakit. at sobrang nakakalungkot.
yung iwan ka ng tatay mo.
tawaging walang silbi ng nanay mo.
yung nabubuhay ka para pasiyahin ang ibang tao. tapos lagi namang may napupuna sa'yo.
yung walang makitang tama sa'yo. puro puna, puro puna.
tapos magkakaroon ka ng sobrang daming utang na loob sa mga taong ayaw mong magkaroon ka ng utang na loob.
tapos yung parang may ibibigay sa'yo, tapos babawiin.
yung akala mo, sa kabila ng lahat ng yan, nakita mo na yung taong makakasama mo all through that, tapos mali pala. iiwan ka rin nya.
mga friends, tao lang ako. at sa totoo lang, nahihirapan ako sa buhay. kaya nga ako nabansagang happy-go-lucky e. pero hindi totoo yun. dahil sa loob ko, ang dami kong nilalabanan.
kung sa inyo, nag-iinarte lang ako sa love life, bahala kayo. pero sa akin, hindi love life yun e. buhay ko tlga yun. hindi lang ito kay Jorge. kahit siguro sa future. at kahit noong mga nakaraan. i never went to a relationshit without being serious. at hindi yun pandisplay lang, tipong patagalan. hindi. kasi takot ako. at ayaw ko. ayaw kong mawala sa akin yung isang bagay na hindi ko gustong mawala sa akin.
ayun lang naman. :) nakakaiyak lang kasi. tignan nyo, wala naman ako makausap. lahat ng makausap ko pakiramdam ko napipilitan lang na kausapin din ako. no, di nyo tlga alam. hanggang imagination lang kayo. at napaka-unreal pa malamang ng mga naiimagine nyong nararamdaman ko. haha
pero i'm trying to move on. well, it just costs so much effort. and pain. alam mo yung binabangungot ka tapos ang nakikita mo e yung sarili mo na nirerape.
o kaya yung tipong alam mong gising ka na pero di mo maimulat mata mo. sinusubukan mong igalaw yung mga paa't kamay mo pero kahit daliri ayaw sumunod. naranasan nyo na yun? sobrang hirap di ba? pero ano bang pakiramdam pag alam mong gising ka na? di ba super relieved? well, i know na makakarating din ako dun.
wala lang, emo na naman. tsk. excited na talaga ako magpasukan. magpakabusy. mwahaha.
2 comments:
Go lang, Mykel! Malalampasan mo rin 'yan. >.<
salamat Jelo. mwahaha.
Post a Comment