okay, emo time. (lol)
Miss na miss na kita. Kahit na kelan lang tayo huling nagkita, pakiramdam ko isang milenyo na ang nakalipas mula noong umuwi tayo. At gusto na kitang makita.
Kahit makita man lang kita.
Kahit di magsagi yung mga braso natin.
Kahit di mainitan ng kamay mo yung akin.
Kahit di mo ako hagkan.
Kahit di mo ako tignan.
Kahit di mo ako mapansin, ayos lang.
Kahit di mo ako kausapin, sige lang.
Basta gusto kitang makita. Gusto kong malaman na nakakain ka na at nakatulog ka ng mahimbing kagabi. Kahit wag mo akong kamustahin, di bale na lang. Ayos na ako, makita lang kita. :)
Naks gumaganon.
No comments:
Post a Comment