20.6.09

Unang Linggo

Sabay akong umalis sa mga kapatid ko noong Martes nang umaga dahil inatas sa akin ng aking mahal na ina ang pagbabayad ng PLDT. Sa pagtantiya ko, makararating ako sa PLDT East Ave. Business Center nang bandang alas-otso kung makasakay ako ng bus mula Tambo nang bandang alas-sais y media ng umaga. Ngunit kahit na inihatid ko pa ang kapatid ko hanggang sa may building na mismo nila (bawal kasi actually pumasok hanggang loob bilang pangatlong linggo na mula nang magpasukan), nakarating ako sa may PLDT bago mag-alas siete. At nagimbal pa ako sa aking nakita.


Ang railings at buong harap ng PLDT ay hinarangan ng mga kordon na itinali at pinaikot-ikot. Alam ninyo yung mga games na susuot ka sa mga garter na pinaikot-ikot sa railings? Basta parang ganun. So bilang alas-siete pa lang at alas-nuwebe nagbubukas ang PLDT at umaambon at ang layo pala ng KFC at baka hindi naman magbukas na ever ang opisinang iyon, nagtungo na ako sa UP. Sa kasamaang palad ay hindi ko alam na yung Philcoa pala na ibig sabihin noong karatula ng jeep na nasakyan ko ay yung totoong Philcoa. Hindi yung mall (daw). Kaya naman naglakad pa ako mula Philcoa hanggang Philcoa... ayun. Basta. At nagawa ko pa ring makarating sa CBA nang alas siete diyes. Anong gagawin ko? Alas-diyes pa ang klase ko.

Naisip kong magtungo na lang sa silid-aklatan. Ngunit sarado pa ang mga ilaw. At alam kong hindi magtitipid sa ilaw ang silid-aklatan ng aming kolehiyo sapagkat matatanda ang mga librarian doon at wala naman siguro silang flashlight na naka-install sa mga mata nila. At di likas sa mga taga-BA ang magti- oh well. Kaya naman lumabas na lang muna ako. Gutom na gutom na ako, ngunit wala naman akong pangkain, ano? Pamasahe lang pera ko, at onting pangkain. Kung gagastusin ko yung pangkain nang mga oras na iyon, hindi ako magllunch. At sobrang tinitipid ko talaga yung binigay sa akin ni Horhe. Para sa susunod na linggo. Mwehehe may pinaghahandaan e. Anyway, habang inaabangan ang pagbubukas ng silid-aklatan, lumabas na lang muna ako at nagpaload at nagsuli. Binawas ko lang naman sa pamasahe yung pang-load. At wala namang nagrereply. Kairita. xD

Nang bumalik ako ay may ilaw na ang silid-aklatan. Ngunit alas-otso pa raw ako maaaring magpa-countersign. E 7:45 pa lang nood sa orasan nila. Kaya naman lumabas na muna ako't nagsoundtrip. At umidlip na rin sandali. Nang mag-alas otso sa orasan nila ay pumasok na ako't nagpa-countersign. At pumasok ako sa reading room at natulog. Halos isa't kalahating oras din akong natulog. xD

Ang una kong klase... Well, kwelang kwela si Sir Raya kaya naman talagang kaabang-abang ang bawat meeting at naeenganyo akong mag-aral. Yun yung mga gusto kong propesor e. Yung, gusto rin nila na maenganyo ka at mapahalagahan mo ang course na iyon. Hindi yung maipasa mo lang.

Matapos iyon ay dumeretso na ako sa SM at doon nagbayad ng PLDT. Napapaisip na akong kumain sa Chowking bilang mura, ngunit naisip kong di na lang ako kakain para nga matipid ko yung pera etc etc. Kaso pagbalik ko ng UP, di ko na mapigilan ang gutom ko't nanghihina na ako at sumasakit na ang ulo ko. Kaya naman bumili ako ng cheesedog bun. Wala raw kasi sila noong bacon+cheese+egg sandwich. Kaya iyon na lang, Php20 lang. Kaso naramdaman kong kulang, kaya umorder din ako ng tipid meal #2. Php20 rin. At... Sumakit ang tiyan ko pagtapos. Ang mga kasama kasi sa tipid meal #2 ay dalawang piraso ng malalaking siomai, mga walong fishball at apat na kikiam. Kung may kanin, baka nabusog pa talaga ako. Pakiramdam ko kasi noon, mapagpanggap na kabusugan lamang ang nararamdaman ko.

Saka ko na itutuloy, mag-aaral na muna ako. :)

No comments: