14.6.09

Pasukan na sa makalawa!

At excited na ako.


Wala lang. At least hindi na ako mabuburyo dito sa bahay. Mwahaha

Alam nyo yun, di mo mapipigilang i-prioritize maski yung mga iniisip mo. So, di ako masyadong makapananatili sa nakaraan. Though, tingin ko, mahirap talaga yun. Hindi naman kasi basta-basta yung mga pinagdaanan at pinagsamahan. Tapos itatapon basta-basta. Ay, di talaga yun basta-basta, di ba? xD


Anong ineexpect ko sa sem na ito? Well, hectic, syempre. Kahit pa sabihin nating 2:30 uwian ko nang TTh. E every TTh nagpupunta ako sa Don Bosco. Pati pag Friday. So yung oras mula 2:30 hanggang bago ako pumuntang Don Bosco, siguro tatambay ako sa lib. O kaya malamang gumala. xD Pero baka tumambay na lang ako sa lib. At sana wala akong makitang kung anu-ano pag ganun. At least kasi last year, sa Engg Lib II sila tumatambay. E ngayon. LOL. Sana isipin man lang yung nararamdaman ko di ba? Ang bastos kasi talaga. Napaka-selfish. Simula't simula sarili lang iniisip. Well, hindi naman siguro. Di lang talaga iniisip yung mararamdaman ng iba. Parang ganun na rin yun?

Ay shet, napunta dun usapan. xD

Ayun. So, hindi talaga magiging biro ang sem na ito. At panata ko na sa sarili ko na pupunta ako lagi sa mga prayer meeting. Kumbaga, every month ang goal ko ay perfect attendance. (lol) Well, di lang yun. Gusto ko talaga yung ginagawa ko. Kumbaga, ito na yung org ko. Hahaha


Ayun. Wala lang. :)

No comments: