mag-isa kong binagtas ang daan kanina.
talk about friends and companions.
bastusan.
asa naman. ewan ko ba, pag nakakasama ko 'tong certain someone na 'to (kilala mo kung sino ka. hahaha or kayo?) naiisip ko na ang tanga ko nga naman kapag sinasamahan ko si --.
pero kasi...
wala lang...
pakiramdam ko kasi kailangan niya ng someone... at pakiramdam ko rin naman pwede akong maging yung someone na yun though hindi naman talaga ako yung gusto niyang maging someone (at kilala mo kung sino ka hahaha)... ewan.
yun lang din yung sinasabi ko. pati kay Gidget. na hindi naman porke't magkasama kami eh meh something na naman. nakakairita na kasi eh. kayo na lang yung nag-iisip na nagpapakatanga ko. putang ina talaga. muntik ko nang sabihin na "putang ina niyo" hahaha pero ayoko. kasi hindi niyo naman talaga kasalanan. at hindi niyo talaga naiintindihan. at hindi niyo 'to nababasa para murahin ko kayo.
pag magkasama kami ni jorge, (ang bobo talaga nakakainis di nyo ba 'to naiisip?) i mean these days, hindi kami bf-gf mode or whatever! tangina. porke ba ex ko eh hindi ko na papansinin? dahil ba gustong gusto kong ideny yung existence nya and all pag naaalala ko yung mga nangyari, hindi na ako dapat ma-whatever sa kanya? bawal ko na syang makita?
nakakairita kasi. kapag nakita niyo kaming magkasama, feeling ko automatic na tatakbo sa utak niyo na nagpapakatanga na naman ako. well sige, nagpapakatanga ko para sa inyo, pero para sa akin, hindi. kung sa tingin niyo umaasa pa rin ako na maging kami ulit - well hindi ko sasabihin na hindi na ako umaasa - (pero) hindi ibig sabihin noon na kaya ako sumasama sa kanya kasi baka magkaroon ng milagro or what. hindi ko alam kung yun ba ang naiisip niyo. pwede ba. tangina. as if naman kasi kapag kayo nasasamahan niyo ko. hindi naman.
sige na, pinipilit ko na sarili ko sa lahat ng tao. kay jorge, sa g11, maski sa linnae. ewan.
may nagsabi sa akin na kaya raw siguro naiirita sa akn eh dahil sa ayun nga sinasabihan ako na wag nang ganito ganyan. tae. hindi balewala yun. pero naisip niyo ba na ako pa rin naman in the end ang magdedecide? grabe. at naisip niyo rin ba na hindi lang naman ako ang nag-iisang ganito ka-tanga sa mundo para ganun? ewan.
ang labo nating lahat.
tapos sasabihin niyo nagdadrama ako. try niyo nga ilagay sarili niyo sa akin. as in tanggalin niyo lahat ng mga katangian niyo at isuot niyo yung akin at tignan ko lang kung hindi ba ganito naman talaga.
magalit kayo kung magagalit. galit din ako. nakakainis na. lahat ng tao sa mundo (o bobo magsabi na ginegeneralize ko kasi kung hindi ninyo alam mahilig akong mag-ganyan pero i don't really mean it, dahil syempre may gusto akong patamaan, duh), peke. mapagpanggap. nang-iiwan sa ere. nang-iiwan sa daan. bastos. makasarili. close-minded. makikipag-argue para lang masabi na iba yung stand. sumisigaw kahit hindi naman kailangan. sama nang sama sa ex nagmumukha tuloy tanga. tutulong kunwari pero nagpapalala lang naman pala (sabi rin yan ng nanay ko). nagpapanggap na ayos lang kahit hindi naman talaga. nagpapanggap na galit pero ang totoo halos isumpa na.
sobrang lungkot, at sobrang nasasaktan kasi hindi niya alam kung kanino siya lalapit. dun sa ex nya na pag kasama nya alam nyang umiirap lahat ng makakita. dun sa mga akala nya kaibigan pa rin nya pero wala na mula nang piliin nya ang boyfriend nya na ex na nya ngayon na pag kasama nya alam nyang umiirap lahat ng makakita. o dun sa mga taong pakiramdam nya pinipilit lang naman nya ang sarili nya (though of course i'll admit i'm just assuming, so don't go mad at me, okei?).? ang saya.
iniisip ko, magbabakasyon na lang ako somewhere. yung malayo pero may kakilala pa rin ako. hmm.
DISCLAIMER: syempre galit ako. so baka bukas magbago na naman ako at ma-realize ko na mali ang mga iniisip ko. but still. isipin niyo rin naman yung kalagayan ko. alam niyo na yung circumstances eh. grabe. kahit hindi naging kami ni jorge, kung naging super close naman kami, sasamahan ko pa rin siya. atsaka ano ba. next sem di na kami masyado magkikita. ano pang mangyayari. edi wala na, db? di niyo alam yung feeling. lalo na, wala naman kayo nung pinagdaanan namin ang lahat. plus, ganun pa rin naman. nababalewala pa rin ako. at ayos n sken yun. darating ang lahat na kahit pakyuhin nya ko sa harap ng napakaraming tao, wala na akong pakialam. not because sobrang tanga ko na kaya hinahayaan ko yung mga ganun, but because... basta hindi dahil tanga na ako. ugh.
2 comments:
kelan tayo mag-uusap nang bongga? hahaha. nako. sori tumatawa ako ah. bangag lan cguro.ΓΌ
kahit kelan.
wla nko klase bukas by 2.30 kso db meh interview k?
Post a Comment