alam mo ba, sobrang nasaktan lang naman ako noong i-text mo ako noong sabado nang "One thing mykel. Wag kang epal." grabe. hindi pala sobra, pero nasaktan pa rin ako.
at kanina, sobra-sobrang nairita ako nang sabihin mong dahil lang iyon sa pag-tag ko kay Jo. putang ina. sorry ha, naistorbo ko ba ang pakikipaglandian mo? sorry talaga.
magalit ka man sakin, ang sasabihin ko lang eh nilagay ko ito dito dahil nga sobrang nairita ako. kahit kailan wala kang respeto. yata. ewan ko. aangkinin mo ba si jo? well i hope hindi ka magtagumpay. wala akong pakialam kung sasabihin mong impossibleng pagsawaan mo sya pag naging iyo na sya. whatever.
sobrang sinaktan mo ko noong nakipagbreak ka, tapos hindi ka pa nakukuntento talaga. tangina ka. gago ka.
pasalamat ka mahal pa rin kita. at weird ako kaya hindi kita pinapakulam at hindi ko hinihiling na mamatay ka na. just that maglaho ka na lang sa buhay ko, kasama lahat ng alaala mo. kasi hindi ko ikatutuwa kung tuluyan ka nang mawawala tapos iiwanan mo ako ng masasakit na alaala.
at alam mo naman na mahal pa rin (ata) kita. i mean, nasabi ko naman sa iyo di ba? hindi mawawala iyon kahit magbreak tayo. pero pag may pumalit, ibig sabihin mas mahal ko siya kaysa sa yo.
ewan ko. ayokong maging kayo ni jo. dahil sobrang sinaktan mo ako. gusto kong malaman nya lahat yun. kaso mukhang paninira yun pag pinaalam ko sa kanya lahat di ba?
and think about it. yung connections mo sa kanya. dati si greg. ngayon? haha alam ko kung paano pwede ba.
at nakakairita ka.
can't believe i love you. hahaha but i do. i really do. and it's pathetic.
at hindi ko kayang sabihin ito sa iyo. wala akong kayang sabihin sa iyo nang harapan kung alam kong mag-aaway tayo or something. basta. ayaw kong magka-away tayo eh. kasi pag nag-away tayo nang bongga, baka hindi na tayo magka-ayos. and i'd really hate that.
love,
michaelle.
No comments:
Post a Comment