bakit?
wala lang.
finals na lang sa stat 101. sa october something. 14 yata. ayun. syempre mag-aaral ako nang bonggang bongga para doon. :) kailangan bumawi.
speaking of bawi, *mejo* nakabawi naman ako sa third exam. sayang hindi ko sinagutan yung isang item! hehe tapos minus 2 pa ako kasi late kong sinubmit! pero ayos na yun, kaysa naman wala akong score dahil hindi ko nasagot yung ibang item. kanina rin, may hindi ako nasagot na isang item. nyahaha
tapos yung Philo. super enjoy yung lesson. sayang at ilang meetings na lang namin gagawin. kainis. pero as in, enjoy talaga ako sa mga truth table atsaka dun sa parang geometry. yung given yung premises (given) atsaka conclusion, tapos ipapakita mo kung paano nag-arrive sa conclusion. pero wala yatang ganun sa philo 1. baka hanggang truth tables lang kami at tautology. aww.
may meeting ng Philo sa Thursday, 1600h-1730h. sana kung andun kayo sa UP sa araw na iyon, kita-kita tayo bago mag-4. para masaya. hehe. tapos sa Wednesday, hanggang 1900h kami! wala lang. alam niyo naman ako. ayaw nang umuuwi agad. pero minsan natitripan ko. :)
tapos. ewan ko. masaya ako kasi sabay kami ni jorge umuwi.
?
weird kasi. last week din sabay kami. pati ata yung week before yun? ewan. masaya lang ako pag sabay kaming umuwi. pero kanina iba.
ah. siguro kasi (1) muntik na akong hindi sumabay hanggang alabang pero nakasabay pa rin ako (shet sana ok lang pakiramdam ni ate) at (2) jayross pa yung nasakyan namin papuntang alabang. san ka pa? ang saya. ehehe. ayun.
siguro iisipin na naman nila, ang tanga ko, o kaya bakit pa ako sumasama sa kanya, o kaya wala na talaga akong dangal. ang weird. paano ako naging tanga? ano bang masama kung sumasama ako kay jorge? paano ako nawalan ng dangal (lalo) kapag sumasama ako sa kanya? siguro kung tipong last week lang kami nagbreak or something, sabihan niyo ako ng ganoon. iba na kasi ngayon. hindi na ito yung tulad nang mga panahong kaka-break lang namin na nalilito ako kung ayos lang ba na magkasama kami o hindi na. hindi na ito yung tipong ang weird namin kasi magkasama pa rin kami.
i mean, ano ba? so what naman? super close kami ni jorge. kahit na super nakakairita siya minsan kasi hindi talaga kami nagkakaintindihan. pero grabe. pag magkasama kami hindi (yata) kami nauubusan ng mapag-uusapan. kahit pa yung ilan nga roon ay humahantong sa debate or pagpapalitan ng mura. hahaha. ewan ko. hindi sa nase-set aside yung pagiging childish nya or anything. ayos lang talaga sa akin na magkasama kami. na-realize ko yun. i mean, hindi yung tipong pag magkasama kami ang aalalahanin ko lang eh yung mga panahong kami pa. hindi na. kasi nung kami naman at magkasama kami, wala naman akong inaalalang ganon. basta magkasama kami. ayun. kung nagtataka kayo bakit sweet pa rin kami. mainggit kayo. saka mas gusto ko na rin yung ganoon noh. i mean, kahit na siguro may bf na ako. ewan ko lang pag may gf na siya. hahaha (pero syempre....................... ewan ko.) anyway. basta gusto ko yun. ayos lang. marami ngang iba naghahalikan na kahit isang oras pa lang silang magkakilala... teka, ano bang ginagawa namin na nagreresemble ng "sweetness?" dapat ba pag magkasama kami, sinusumpa namin yung existence ng isa't isa?
oo, nakakairita talaga si jorge. corny yung mga jokes. madaling ma-gets yung jokes pero mahirap i-appreciate. ano pa ba? well. ayos lang nga sa akin. i mean, hindi talaga pala ayos. tanggap ko lang na ganun.
at syempre. mahal ko pa rin naman siya. duh. syempre nagtatanong pa rin ako sa kawalan kung bakit kailangang magsawa. kung paanong nagsawa eh siya itong laging nagsasabi noon na hindi siya magsasawa at naniwala naman ako. kung pwede bang maging kami ulit.......
pero pag magkasama kami. ayos na sa akin na magkasama kami. please. haha next sem di ko na siya makikita. fatale.
di ko maisip. hahaha wala lang. ayoko nung feeling na baka ako na lang yung nag-iisip na close pa rin kami. grabe. ilang ulit nang nangyari sa akin yun eh. tapos mararamdaman mo na lang na sa sunod kayong nagkita, hindi ka na niya kilala at wala siyang balak mag-catch up sa inyo. well, sana hindi kami maging ganoon.
wala lang.
ayoko talaga. pag naging ganun kami. magagalit talaga ako. grabe...
hay.
bigla naman akong nalungkot...
No comments:
Post a Comment