Showing posts with label jarold. Show all posts
Showing posts with label jarold. Show all posts

6.5.09

don't speak. mga walang respeto at si habon na di matalo-talo.

Minsan, sana, kahit minsan lang (tipong pag kaharap ako), isipin naman nya yung sasabihin nya.


Pero hindi e. Kasi, sinasadya nya na ganunin ako. Bastos? Ewan. Pero nakakasakit.


Kung ang goal naman nya ay saktan talaga ako. Wow lang. Di pa ba nakuntento sa lahat ng ginawa nya? :(


Kung gusto mong malaman. Nasasaktan talaga ako. Grabe ka naman.


Hindi naman yata tama yung ganoon e. Isipin mo rin naman. Wag kang mainip. Kasi mawawala na ako sa buhay mo. Not really siguro, kung magkikita man tayo every Tuesday and Friday. Pero wag ka talaga mainip tol. So kung pwede, para masaya naman, wag mo na rin akong saktan. *ang kadiri ng lines. naiimagine kong sinasabi ko sa kanya nang harapan.* Kasi... masakit e. Di mo kailangang ipamukha sa akin na naghahanap at nakakahanap ka ng cute tuwi-tuwina. Di mo kailangang iparinig sa akin na nasa California yung gusto mong makasama.


Alam mo kung bakit?


Kasi. Alam ko na e. Kaya di mo na kailangang sabihin pa. And again, kung ginagawa mo yun para saktan ako dahil nga ayaw mo na, di na talaga kailangan, okay? Kasi alam ko na. Alam ko na, alam ko na, alam ko na!!! Ugh.


Nakakabastos kasi talaga e. Wala talagang respeto sa nararamdaman ng ibang tao. Nakakasakit ka talaga. Wala naman akong ginawa kundi mahalin ka!!!


JOKE.


I mean. Ano ba. Wala naman yata akong ginagawa to deserve such behavior dude.






















Anyway, grabe si Habon kanina. Hindi matalo sa pusoy! Nagtutulungan na kami nina Jarold at Jelo at Jorge! (JJJ. hahaha) Wala talaga. Grabe. Tawa na lang nang tawa kami.


Tapos yung gitara ko. T-T nababatak ata kasi nang bongga pag tinotono ni Jorge? Bukod dun sa fact na nahulog yun ni Jabs (Habon) nung nasa camp kami. Haha pero minor lang naman yung kay Habon. Grabe, papa-repair ko na yun by this week. At di ko na yun dadalhin sa camp. Tsk.