bukas na yung graduation namin.. grabe hindi ko talaga feel... i mean, parang there's more to be enjoyed than the previous 40 months in MaSci... grabe, i feel nostalgic sa totoo lang... pero hindi kasi ganoon kagaling memory skills ko..
naaalala ko pa nung first year... nung mga first days... wala pa kaming STA kaya dun kami lagi sa 3rd floor bordner tumatambay... sikat yung cellphone ko na 2100... hinihiram ni luis kasi nililipat nya yung mga tones na nandun dun sa cellphone nya...
lagi akong may dalang alcohol, yung 50ml na maliit... at saka tissue... wala lang, panlinis sa kung ano...lalo na dun sa 3rd floor bordner - mga upuan, bintana, etc... dun sa floor na yun masasabi ko na maraming unang bonding moments na nabuo... tapos meron ding epal na bata dun e, joanna yata o joy o kung ano man pangalan nya yung pangalan... er... laging nagpapabuhat, hilig makipaglaro, sinusukahan ng boiled egg yung kalilinis lang namin na bintana... at tulad nga ng sabi ni jorge, lagi namin kinakawayan yung LRT na dumadaan. promise nung mga panahong yun iniisip ko na kung magtatagal ba ako sa MaSci. yung mga tao kasi na nasa LRT kumakaway din naman. di ko alam kung sinong mas adik sa'min. hahaha
wala akong alam sa ibang section nun. basta sila raine, gwennie, flori, harvy, yani, karen, thea... sila kuya philippe, kuya tim, jay-v at nick - sila lagi ko kasama. er. baka may nalimutan ako pagpasensyahan na lang. haha naalala ko si harvy yung unang tinukso sa'kin. adik kasi si cordova eh. wala lang.
mga praktis ng sabayan na nakikipagkulitan kay jorge. sinasapak si jorge lalo na lagi siya nananalo sa magic. mabait na sana, mayaman, mayabang lang. saka mataba. naaalala ko sa kanya noon yung kaklase ko nung elementary, si mj. er. michael jackson yata... er... tejeros un eh...
michael john! putek. ayun. kasi naman, magkaboses, parehong kumilos, mayabang, makulit, ang gulo, pero lagi ako pinapautang. pero hindi naman ako crush. haha nyak. wala lang.
tapos yung mga moment na andun kaming 5 sa kubo... pag-uusapan lahat ng dumaan... kakanta ng parokya... nde, tsokolate lang saka alumni homecoming alam na kanta ni nick paul at philippe nun eh. punyetang yan. tapos love life namin. mga kababuyan. ayun. parang kelan lang. pero hindi parang kahapon ah. kasi hindi ko na nga masyado maalala yung karamihan eh.
ang naaalala ko lang sa second year ay halos buong taon gusto ko magsuicide. saka dun ko naranasan (first time ba) yung Math Camp. at Science camp din yata. ay oo, officer pa nga pala ako nun. nung mga yun magkaaway pa kami ni jorge. nung Sci camp dun kami natulog nila laurence at ralph sa second floor sa harap ng first year science rum. walang kumot, walang unan. tangina. haha ok. second year. ang alam ko lang sa dulo talagang nagsisisi ako kasi hindi ko na-enjoy to the limit yung pagiging marconi. ayun.
third year...
pinakamasaya.
ayun.
cge next post ko ikkwento. baka bukas ng umaga... ahehehe ^^
No comments:
Post a Comment