11.8.12

Untitled III

It all came back when we talked about the future
We were at the station then but that didn't really matter.

We talked about things like we always do
Some about me and some about you

My heart beat so fast when you talked about the future
How we should be stable then at that age I can't remember.

Eight-and-twenty, or was it thirty?
What you said back then.

It was so amazing even when I felt I was going crazy...
Did I hear you right when- when you said that word, "we"?




K. Biglang sumulpot yung words pinagtagpi tagpi ko na lang kaya wala syang sense hahaha wala namang makakabasa so kebs. Hi future Mike. You were about to sleep when you typed this.

30.7.12

Sa ganitong panahon yang mga kaisipang yan ang bumubulabog sa aking isip. Pwede bang matulog na lang?
Baka di ka na kailangan? Kaya ganun.
Baka nagsasawa na ulit, kaya ganoon.

21.7.12

Unititled II

Ewan. Hay.

OO nga abnormal nga ako. Hahaha di ko na alam. Kung ano pang paniniwalaan ko.

14.7.12

The Anti-Social Me

I can't shake off the feeling that everyone I know can take me for granted with just a snap of their hand. Fingers.

Para bang any moment kaya nilang sabihing "o sige, umalis ka na sa harap ko at huwag ka nang magpakita."

"Wag na lang tayong magkita kahit kailan."

"You're my friend, pero not really on my list of 'best friends I have'."

I feel like a nobody sometimes. Parang yung lagi mo lang nakakasalubong pag naglalakad ka sa underpass sa Makati Business Area nang ganoong oras. Hanggang ngitian lang, o kaya saglit na tinginan. Parang tama lang ma-recognize nyo isa't isa.

And so I get tired of talking to people. Finding out how they value me. Sometimes I won't talk to them, probably. What's there to lose on their side, anyway?

Sa akin din wala dapat, tutal wala naman sa kanilang mawawala. Yung tipong, yeah, magkakilala kami, lagi kami nag-uusap, pero kung papipiliin sya may iba syang gustong kausapin.

O kaya naman, may bago siyang nakilala so yun muna gusto nya kausapin.

E ako, di nga ko mahilig makipag-ganun. Di ako mahiyain. Nakakatamad lang talaga. O kaya nakakapagod. Kasi after some time hindi naman kami magiging close nun. Tsss.

And so I really miss high school. Parang ang saya ko nun e.

Pero siguro nga, ang buhay ko parang paglalakad sa isang underpass ng Makati. Maraming tao. Yung iba lagi ko nakakasabay o nakakasalubong. Pero walang hihinto nang matagal para kausapin ako. O magtitiyagang sabayan ako kasi mabagal na ko maglakad dahil mabilis na rin ako mapagod at sumakit ang tuhod.

Wala lang. Nagiging mystery na talaga sa akin ang mga tao e. Minsan akala mo alam mo na kung paano sila, pero kahit alam mo na hindi mo pa rin ginagamit yung kaalaman na yun. Tapos ikaw pa yung mapapahamak dahil sa ginawa mo.

Ewan. I just want to curl myself into a ball and sleep until sleep can't take me anymore.

Twenty years, and I really don't like having to socialize anymore. O baka phase lang 'to ng buhay? Daming arte?

14.4.12

Conversations V


Moments like these make me go facepalm.

Sa kilig. HAHAHA

Wala akong pakialam kung di ko natatapatan yung mga banat nyang ganyan. Hindi naman dun nasusukat ang pagiging masaya namin.

:">
:">

29.3.12

Pet names

Hindi ko alam kung bakit pero makita lang kita, ayos na ayos na ayos na ayos na~

Charot. =))


Ang alam ko napag-usapan namin at nagkasundo kami tungkol sa pagkakaroon ng pet names. Hindi kami hayop para magkaroon ng pet names. Palayaw, pwede pa, pero pet names tulad ng "honey" "baby" "beh" please lang.

Pero yung "Mahal ko" hindi pet name yun. :) And thank God nung nakita ko kung anong name ko sa phone nya back then, hindi "mahal koh" or whatever.

Kaya mahal ko yan e. Daming pinagkakasunduang hindi namin pinagusapang pagkasunduan. Kahit lagi kami nag-aaway... Well, makita kong matawa sya masaya na ko. So idaan na lang sa barahan ang pag-aaway, ganyan. O kaya kilitiin sya. Bibigay din yan. =))



Shemay ano ba tong pinagsasabi ko. Sorry. I don't mean to be cheesy or overly-affectionate-through-blog-posts. Inaantok lang ako.



Grabe forever siyang bida sa blog ko kalerkey~

25.3.12

Coversations IV

'Bukas. Magkikita tayo bukas.'

"Si Ge (as in pangalan na Ge)..."

'Sino si Ge?'

"Sabi ko 'Sige,' anong sino si Ge?!"




*facepalm*




Ano bang nangyayari sa akin.

Not sure if mishearing a lot lately, or ability to understand has become blunt.

Flashback

Minsan naming napag-usapan ni Horhe na magsabay umuwi hanggang Alabang. Mula high school, ako talaga yung sumasabay sa kanya hanggang Alabang. Nung una kasi (third year high school namin napagtanto na pwede kami magsabay until some certain point pauwi) ako lang yung sigurado sa gagawin ko, bilang minsan na akong... Ibang kwento na yan e. Anyway, para makatipid naglakad kami pa-Central.

Habang naglalakad sa tamang tawiran, biglang kumanta.


"Nanka shiawase, na na na... Di ko alam lyrics e. Ano ba lyrics non?"

Kanta naman ako, pero di ko rin naalala lahat.





"Naalala mo nung sinabihan mo ko nung first year na nanghuhula ng lyrics? Sa LL."

'First year? High school? Malamang wala namang Lover's Lane sa UP (na alam namin)...'

"Oo."

'Hindi. Bakit ang dami mong naaalalang ganyan?!'

"Ganun talaga pag in love."






*facepalm*