I would dance in the pouring rain.
I would bask under the summer sun.
I would do a lot of things again
For time waits for no one.
18.1.12
UPCAT moment.
Dahil nakapasa ang kapatid ko at naiyak ako pagkabasa ko kanina, magshshare ako. Hindi ako nagshshare (ata?) nung past few years pag nilalabas na yung results kasi wala naman akong kakilalang dapat hanapin dun sa results, or wala akong paki. Basta. Feeling ko lang pag nakita ko na pangalan nung kapatid kong sumunod sa akin, dun ako magshshare. So ito.
5 years ago and about a month more, Periodic examinations for fourth year students. Maaga kasi magppractice na ng graduation, mas mahalaga yun... Anyway, bago mag-exam, may nareceive akong message. Sabi, "Congratulations! Naks, BAA! Triple quota!" At BOOM! Dun ko nalamang triple quota pala yung BAA. HAHAHA
Nung nalaman nilang alam ko na, marami nang kinabahan. Yung iba tinext din yata ng mga magulang. Ewan ko, basta alam ko nakapasa ako. Though actually nag-d-doubt pa ako nun sa nagbalita sa akin, baka mamaya niloloko lang ako... Medyo luko-loko rin kasi yun e. Hahaha!
Yung iba, kinakabahan... Feeling kasi nila hindi naman nila ginalingan nung UPCAT. Yung iba, syempre nag-eexpect talagang mapasa nila kahit anong tipong quota pa yung first choice nila. Syempre, first choice nila yun e. Alangan namang ang hilingin nilang mapasa nila eh yung second choice di ba? At sa totoo lang, malay din ba naming may mga strategy strategy yun - na mas okay kung sa second choice maglagay ka nung "madali" (NOTE: Walang madali sa UP, okay? Relative lang sa quota type, sa scores na pinipili nila, etc. kaya nasasabing madaling pasukan.) para kung mag-fail ka sa first choice mong alam mong mahirap pasukan, eh may fallback plan ka. Naks. Eh walang nag-educate sa amin non.
Ang alam namin, isa ring challenge ang UPCAT. Isang malaking fulfillment pag nakapasa ka doon. Nahirapan man o nadalian ka sa UPCAT, bilang isang MaScian, medyo mataas ng expectations ng mga tao sa paligid mo na ipapasa mo yang hayop na UPCAT na yan. Sa start ng fourth year, priority mo UPCAT. Sa dulo na yung graduation. HAHA!
Pagtapos ng exam namin, puno lahat ng internet shop. Kung tama pagkakaalala ko, sumugod kaming Robinson's at naghanap ng net shop na mabilis (ewan ko kung before yun pumunta ba kami sa ALVA tapos tinry namin tapos ang fail ng connection nila, or so we thought, kaya sabi namin dun na lang sa mamahalin). So dun kami sa mamahaling net shop at gumastos kami ng worth one hour sa net shop sa Pedro Gil para lang makita ang pangalan namin sa web page na napakabagal talaga dahil sa high traffic. Pero worth it naman.
Yung iba, syempre, nalungkot. May mga words kasing di namin alam ibig sabihin, yung mga may asterisk, at yung alam naming hindi sya course kasi ang haba ng nakalagay tapos walang "BA (Bachelor of Arts)" or "BS (Bachelor of Science)" or "B (Bachelor)". [Bachelor IN o Bachelor OF? UGH] Pero yun, yung iba may kulang lang, yung iba pasado sa required score ng UPD pero may kailangan pang isubmit... Yung iba... Hay.
Ang tagal na pala.
Ngayon, alam ko nang hindi nagtatapos sa pagpasa sa UPCAT ang pakikipaglaban mo academic-wise. Karamihan, dumarating sa point na napapaisip kung gusto pa ba nila yung course, o kaya kung matatagalan pa ba nila kasi bumabagsak o kaya nakakawalang gana. Pero ang mahalaga, andiyan ka na e, isang malaking step yan. Kumbaga, it all depends on your Will after this. Kung may napasa ka pang ibang exam tulad ng ACET, etc., anong pipiliin mo? Saka, ikaw ba ang mamimili o magulang mo?
Sa mga tulad ko namang (at ng kapatid ko rin - CONGRATS ULEEEEEEEEET) UPCAT lang ang tinake, aba, choosy ka pa ba e dalawa na lang choice mo - mag-UP o hindi??? XD
Ayun lang naman. Hindi ko natapos yung BAA, hindi ko pa tapos ang BA, pero sabi nga sa Beerkada, I will graduate on time, no matter how long it takes. [UPCAT pa lang graduation na agad sinasabi...]
Hi Jerome, miss na kita. Sana masaya ka kung nasaan ka man. Salamat sa pag-spoil sa akin ha! Haha at yung regalo mo, makukuha ko pa ba yun? Ano ba yan, nalulungkot akong maalala ka. XD
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment