20.3.10

Friday madness

mga 4 na kami nagkita. pero ayos lang. tumambay muna ako sa McDo habang naghihintay. aral kunwari ng 115. Lord, help me po sa exam bukas please.

Anyway, pumunta kami sa Rob at patungo nang Tokyo Tokyo pero nakita namin na isang malaking tarpaulin ang nakalagay sa dating mga dingding ng nasabing kainan. Nakumpirma namin na wala nang Tokyo Tokyo sa isang guard na mukhang sundalo. Sabi ko, Pizza Hut na lang. Pero di pa rin namin nakita e. Hahaha. Kaya napadpad kami sa Shakey's. Pareho kaming mga hindi marunong umorder hahaha. Tapos nagkaroon pa ng split-second blackout. Oo, blackout. Kung abnormal ako baka inisip kong nawala paningin ko nun e. Pero bumalik naman after a split of a second (kaya nga split-second blackout e).

Nang umuwi kami ay napakatagal naming naghintay ng bus. Kaya naman naisip naming mag-round trip na lang. Masaya, kwentuhan kami sa bus and all. Hahaha


SORRY.
Sorry kasi naubos ko pera mo! Sorry kasi late ka nang nakauwi.


MARAMING MARAMING SALAMAT.
Ayokong mawalan ng kwenta tong araw na ito dahil lang dun. I mean, mas madedepress ako kung maiiwan akong walang ginagawa buong araw - mas maiisip ko na sana ganito o sana ganyan. haha Ang saya ko ngayon. Wala lang.


Redbox tayo ha. XD



ALAM MO KUNG SINO KA! XD

No comments: