25.10.09

:|

kinikilig ako pero nalulungkot...


gustong gusto ko syang hagkan - kahit sa noo lang. o sa pisngi. pero ewan, nahihiya ako. at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nya. or maybe, ayoko lang na ayaw nya...


gustong gusto kong hawakan nang mahigpit ang kamay nya. kasi parating malamig ang kamay ko at comfortable yung feeling pag magkahawak kami. pakiramdam ko everything is fine. pero nahihiya rin ako. at natatakot na baka bitiwan nya ang kamay ko...


gustong gusto ko rin sya yapusin. yakapin nang mahigpit. at matulog nang nakaganun. pero I ended up hugging his arm. mas malulungkot kasi ako kung di nya naman ako i-hug back. haha wala lang.




hay. :"> && :(

salamat. for reaching out and holding my hand.

No comments: