24.12.07

hello! haha ang dami ko ng blog. kamusta naman. may blog din ako sa multiply ko.

May multiply na nga pala ko! Actually matagal na pero ngayon ko lang nalagyan ng pictures. ehehe hindi naman sa akin yung digicam, kay mama. kaya asa namang mapupuno ko yun. pero seryoso, dahil isa akong frustrated photographer, mag-iipon talaga ako hanggang magkaroon ako ng sarili kong digicam. haha wish ko lang makaipon ako!!!

ngayon ay ika-24 ng Disyembre, taong 2007. Bisperas na ng Pasko.

Sa totoo lang, hindi ko feel ang Christmas. I mean, yung katulad dati na may handa and all that. Mas nasa isip ko ngayon yung kalagayan namin. Anyway, MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!! ^______^

So, ano ba ang ma-rerelate ko sa aking blog?

Itong araw na ito ay parang isang ice-breaker sa array ng days ngayon. Wala lang. For the first time kasi, may nakausap akong matinong tao. Si Luis yon. Although hindi naman kami nag-usap ng matagal. Paano kasi, gabi na sa kanila. Sosyal yan si Luis eh! Grabe! Sem break na nila ngayon, HANGGANG JANUARY 28! Putanginangyan. La lng. haha

anyway... syempre... nag-send nanaman ako ng short story sa kanya... Ang gaan ng feeling. Sobra. Lately kasi wala akong nakakausap na nasasabihan ng, at nakikinig sa, mga problema ko... Ay, hindi naman actually problema. Yung mga problema ko. Yung mga iniisip ko. Hindi naman kasi ako makapag-telebabad kay Jorge. Ewan ko. Naalala ko yung unang beses na tinawagan ko sya (a long long time ago) wala pa yatang isang minuto nung nag-usap kami. Hello lang ata nasabi ko. haha tas sabi niya, "sige, pinapatulog na kasi ako..." haha kamusta naman kasi 11pm na pala noon. At bakit nga ba 11 ako tumawag? Sorry, hindi ko maalala. Anyway. Dahil nga doon, parang hindi ko magawang makipag-telebabad. Teka, san na ba ko? Ayun nga... Wala nga akong masabihan. Sila Vanir at Luis lang naman. Eh mga isang buwan ko na sila pareho hindi nakakausap. At syempre, wala naman akong social life sa UP... Wala akong masabihan ng problema... Kaya kanina, habang nagcocompose ako ng e-mail para kay Luis, kahit hindi kasiya-siya yung mga sinasabi ko sa kanya eh nakangiti ako. Thank God, nabawasan sobra yung "loneliness" na nararamdaman ko.

Pero bakit nga ba lonesome pa rin ako? Hindi ko rin maipaliwanag. Siguro kasi wala akong pera. Putanginang pera yan. Bakit po ba kasi may pera sa mundo? Yang mga bagay na yan ang naghahati sa mga tao eh... Hindrance sa harmony. Kaya hanggang ngayon hanggang wish lang ang world peace eh.

Kasalukuyan kong tine-text si 2870. At hindi makapag-send. Hay.

Birthday ko na sa 27. Like I really care. Ang gagawin ko lang talaga ay magsimba at magpasalamat dahil sa mahabang buhay. Oo, mahaba na ito. Sobrang thankful ako kay God, kahit na napaka-thoughtful kong bata at kung ano-ano ang naiisip ko.

Naalala ko pala, isa pang bagay na nakapagpa-saya sa akin ay recently nakausap ko si Gelo. Wala lang. Sa ym lang. Hindi rin mahaba yung napag-usapan namin, and there's nothing personal, really.

Little things like that, napapasaya na ako... Mababaw nga kasi akong nilalang... Kaya nga madali rin ako malungkot!!! Shet naman mahirap bang intindihin yun? WALA BANG LOGIC? tae...


at...


HINDI AKO EMO!!!!!!!!

buiset emotional as in pero hindi yang emo emo na yan. bago pa man mauso yan eh laganap na sa mga status message ko sa Yahoo Messenger ang mga, say, poetic na style. Parang gago lang eh.


Hindi ako nakasama sa overnight ng linnae. Sana sa susunod makasama na ako.

Camping namin noong 15-16. Pero hindi ko siguro dito ikkwento yun. wala lang.


Miss na miss ko na si Jorge. Magkikita kami sa 29...

Grabe, napaka-thankful ko sa family niya. Sana someday eh maibalik ko lahat ng ginagawa nila sa akin. hehe.

Mahal na mahal ko si Jorge. Sa akin lang siya. Dati, akin lang siya... ayon... kaya siguro ako malungkot... miss ko na yung dati...

No comments: