3.11.07

funny things about love eklat

May kumalat na text message sa linnae nung isang gabi...




Eto yung una.



"You're trying to forget someone kahit hindi mo kaya.

Nagmamahal ka nang hindi niya alam.

Seryoso sabay loko.

Idedelete mo number nya memorized mo naman.

Hindi mo mahal pero iniisip mo.

Wala kang pakialam pero kung mag-alala ka sobra-sobra.

Deadma 'pag nakikita mo sya pero deep inside kinikilig ka.
Sine-save mo mga messages niya pero pag nag-away na kayo burado na lahat.

Makikipagbreak ka tapos pag na-miss mo makikipagbalikan ka."



may kasunod pa pero parang something na lang...




well funny. haha sabi nila ako daw yung huli. ahaha kaso hindi naman ako nakipagbalikan dahil lang na-miss ko sya. Kahit noong bago ako nakipag-break miss ko na siya. Kaya nga ata ako nakipagbreak. Para mapansin niya ko. Baka pigilan niya ako. Pero hindi. Ayaw pa nga niya ko makausap noon eh. Haha. Worst days of my life. So far. Ayaw ko na mangyari yun. Pero bakit ba ang daming nagsasabi na... Haaay...


mahal na mahal ko si Jorge...




















eto yun isa pa.


Imagine yourself naglalakad sa tabing dagat. Palubog ang araw at bigla na lang lumapit sa'yo. Sya ang taong minahal mo nang sobra pero iniwan ka. Sinabi niyang, "I want you back, please, I beg you, I still love you.."

Ramdam mo ang sincerity niya at alam mong mahal mo pa rin siya, ngunit sa di kalayuan, maligayang kumakaway sa'yo yung taong bumuo ulit ng puso mo, hinihintay ka...

mananatili ka bang nakatayo o ihahakbang mo ang iyong mga paa kahit na alam mong di ka na sigurado kung saan ka pupunta?




hindi ako dapat affected sa tingin ko... pero ewan ko... nasasaktan ako... haha...


sana talaga maging masaya na tayong lahat...

"fear is only in our minds... taking over all the time..."

No comments: